Featured Posts

What is more fun in the Philippines? At dahil uso na rin lang naman ang gumawa ng mga kung anik-anik tungkol sa hashtag na ItsMoreFunInThePhilippines, I made some myself. Dami pa kong gustong gawin pero ito lang muna:     ...

Read more

Happy new year! I was going to post this as my Facebook Status Message but decided against it since I am "Facebook-friends" with a looooot of my officemates and I am pretty sure, I would be ribbed nonstop if they read...

Read more

Chic-boy's not so chickboy response A few nights ago, on Monday, December 12, to be exact, while browsing Facebook, I came across a post about a customer who wrote a very emotional albeit funny "break-up" letter with her favorite fastfood...

Read more

Rock the Riles for Human Rights The International Human Rights Day is celebrated every December 10th. (That's a very special day to me because that's also my hubby, Bong's birthday!) In the Philippines, there is a volunteer group  called...

Read more

Say hey, Teacher A! A friend’s blogpost about a teacher from her 9-year old brother’s school has become viral. In it, she criticizes the computer teacher for giving an assignment that directed her grade three students...

Read more

  • Prev
  • Next

Eksena sa jeepney

112

Category : musings

Tara na, byahe tayo!

Sa araw-araw na pagsakay sa jeepney papuntang trabaho, maraming mga bagay akong nakikita at naoobserbahan, ang iba’y nakaaaaliw, ang iba nama’y nakaiinis. At kung meron akong joy list,  itong aking isusulat ay patungkol sa mga bagay na hindi ko ikinatutuwa. Mga pet peeves, ‘ika nga. So without further ado, eto na sila…

Ayoko ng…

1. mga maiingay kung magusap, tipong akala mo, isang milya ang layo nila. Ok lang naman kasi magusap, walang kaso yun, pero kung yung buong buhay ng pinsan ng tiyuhin ng bilas ng kapatid ng kapitbahay nila ang kahit di mo gusto, e maikukuwento mo na rin sa mga kaopisina mo, aba, hindi na nga yan katuwa-tuwa.

2. parang yung number one, pero this time, nakikipag usap naman sa telepono. Again, ok lang naman makipagusap sa telepono, walang problema. Pwede rin yung medyo malakas lakas ang boses, lalo at kung minsan talagang napakahirap ng signal. Pero meron lang talagang mga tao na kapag nakipag usap sa telepono, lalo’t nakikipagchikahan lang naman, e again, buong buhay na ng taong pinaguusapan nila ang malalaman mo. At mas nakakainis yung obviously e sinasagad ang unlimited call ng mobile phone provider nila sa tagal ng pakikipagchikahan.

3. mga nakikinig sa music, gamit ang earphones, pero alam na alam at dinig na dinig mo ang pinatutugtog nilang heavy metal music gamit ang kanilang media player o cellphones. Di ko alam kung bakit rinig na rinig pa rin ang pinatutugtog nila kahit na nakaearphones na sila. Ang siste, kaya ka nga nage-earphones para sayo lang ang music mo, di ba? Pero hindi. Kahit di mo type ang music nila, wala kang choice kundi marinig yun.

Pansin nyo, mula 1 to 3, tungkol sa maiingay ang sinabi ko? kasi sa umaga papunta sa trabaho, gusto kong matulog sa byahe. Baket kanyo? Kasi kulang ako sa tulog palagi… pag umuuwi galing sa trabaho at gising pa ang mga piglets, naglalaro at nagkukulitan muna kami, at bago matulog, kumakanta muna kami ng mga nursery rhymes. Kaya sa umaga, sakay ng jeep, gusto ko sanang makatulog kahit ilang minuto lang. power nap, ‘ika nga…na di ko magawa dahil sa maraming istorbo.

4. mga driver na walang pakundangan kung magsakay ng pasahero. Ang espasyo para sa 8 tao, nagiging sampu pag sila ang tinanong mo. Pero malamang pag sila ang pinaupo mo sa sarili nilang jeepney, magrereklamo rin sila kasi masahol pa sa sardinas na nagsiksikan sa napakaliit na lata ang itsura ng mga pasahero nila kapag punuan na.

5. mga driver na mala 2km/hr kung magpatakbo ng jeep nila. Tipong mas mabilis pa siguro kung tumakbo na lang ako, except that hindi yun pwede kasi malamang gulagulanit na hitsura ko pagdating ng opisina. Pero naman, ito yung mga driver na literal, namumulot ng pasahero. Oo, alam kong gusto nilang kumita, pero paano naman ang mga pasahero nilang gusto rin sanang kumita, na bago pa makarating ng opisina, e bawas na ang sweldo, hindi lang sa lintak na buwis na kung saang saang bulsa naman napupunta, kundi dahil sa ilang minutong pagkaka-late sa pagpasok? Double whammy eh.

6. mga driver at pasaherong naninigarilyo at nagbubuga ng usok sayo. Ok lang manigarilyo, kasi dito sa Pinas, di tulad sa lah lah land, e hindi bawal ang manigarilyo or at least, regulated ang mga lugar kung saan pwede lang manigarilyo. Pero kung magyoyosi, sana ilagay sa tamang lugar. Kasi kung hindi maiaayos, tipong pati ikaw na bagong ligo, e parang manok na pauusukan nila. Kung ganun, sana lunukin na lang nila ang usok nila. Hindi pa ba sapat ang usok mula sa tambutso ng mga sasakyan na nalalanghap namin?

7. mga balahurang (excuse my French) pasaherong akala mo may malaking basurahan kung magtapon ng kalat nila hindi lang sa loob ng jeepney mismo, kungdi sa labas, sa kalsada. Oo, sa panahon ngayon, di pa rin ako makapaniwala na ang dami pa ring mga pinoy ang kung saan saan na lang nagkakalat. Case in point: Itong umaga, may nakasakay ako sa jeepney. Magandang babae, nakauniporme, mestisa, makinis. Kinuha niya ang isang wet tissue sa bag niya, ito yung individually-wrapped na wet tissue, ang tatak Pigeon. Hmmm…may kamahalan, kaya naisip ko, wow, sosyal. Next thing I knew, tinatapon na niya sa labas ng jeepney ang nagamit na nyang wet tissue. Naman. Bakit di na lang inilagay sa loob ng bag at itinapon sa basurahan pagbaba ng jeep? The answer eludes me.

8. mga pasaherong walang pakundangan kung magabot ng pamasahe nila sayo. Ang masama niyan, kala mo, may utang na loob ka sa kanila pag inabot mo ang pamasahe nila at ipinasa papunta sa driver. Eto lang ha, hindi tungkulin ng mga kapwa pasahero natin na iabot ang pamasahe natin sa driver, kaya ituring natin itong isang pabor…at dahil ginawan nila tayo ng pabor, matuto naman tayong magpasalamat pag inabot nila ang pamasahe natin, gayundin kapag inabot nila ang sukli natin at nakarating ito ng maayos sa atin. Sa Tagalog, isang salita lang: Salamat. Sa English, two words: Thank you. Hindi yun nabibili, at lalong hindi ginto ang mga salitang ito kaya wag tayong kuripot sa pagpapasalamat.

9. mga lalaking pasahero na kung makaupo, akala mo ga-higante ang itinatago kung makabukaka (again, excuse my French). Tinanong ko minsan kay daddy Bong kung talaga bang mahirap para sa mga lalaki ang itikom ang mga hita pag nakaupo kasi maraming lalaki ang hirap gumawa nito. Sabi naman niya, hindi daw. Siguro lang, talagang swapang sila sa space. Gayundin, ang mga babaeng kung makaupo, akala mo pang tatlong pasahero ang binayaran nila. Pwede namang umupo ng tuwid, pero sila, kelangan umupo ng nakatagilid. Yung ibang pasahero tuloy, isang pisngi na lang ng pwet ang nakakaupo.

10.

Talagang hindi ko nilagyan ng kahit ano yung number 10 para kayo na ang magdagdag ng mga eksena sa jeepney nyo. Go!

2 people like this post.