At dahil uso na rin lang naman ang gumawa ng mga kung anik-anik tungkol sa hashtag na ItsMoreFunInThePhilippines, I made some myself. Dami pa kong gustong gawin pero ito lang muna:
Nung isang gabi, bigla akong sinumpong ng kagustuhang kumain ng sardinas for dinner. Hindi naman ako naglilihi dahil kahit nung nagbubuntis ako e hindi nauso sa akin ang lihi lihi. Pero kung bakit ba naman hindi ko pa naigigisa e natitikman ko na ang sarap ng ginisang sardinas. At para maging totoong breakfast ang dinner ko e binigyan ko pa siya ng partner: ang hot choco na ginawa ni Daddy Bong. Ito ay gawa sa tablea na freshly-made sa Batangas. Taga Batangas kasi ang father-in-law ko at galing sila dun. ![]()
This photo was taken during our trip to Tagaytay, sa Residence Inn Zoo in 2010, where for a fee, you get your photo taken while feeding kuning kuning a baby tiger. Since it was Ate Kara’s birthday and she wanted a photo op with the tiger, gora kami at isinama pa sa photo op ang pagkakulit kulit na si Jeremy, whose other hand I had to hold for fear na hahablutin na lang niya ang tiger. E pag nagkataon, baka kami ang maging merienda, dinner at midnight snack ni baby tiger. ![]()
Hindi pa ba naman obvious na sobrang sunburnt/sunburned na dito ang bunso namin? masama pa ang loob nung pinaahon. This photo was taken in Panglao, Bohol when we went there in July.
This year, gusto namin silang madala for the first time sa Boracay. Good luck naman kung me murang plane fare papunta dun ![]()
At dahil alam na ng lahat kung gaano kamaldita ang bunso namin, palagay ko maniniwala kayong lahat pag sinabi kong, Praying is really more fun in the Philippines. At para sa hindi pa nakakaalam, ganito ang evening prayer namin palagi:
All: Sign of the Cross.
All: Prayer of praise and thanks–for our lives, for giving us another day, for all the blessings.
All: Prayer for blessings where we ask God to bless each and everyone especially the people we mention. (family, friends, teachers, shop employees/workers)
All: Prayer to our Guardian Angel.
All: Amen.
Tapos ay ito:
Mama: Saint Magdalene of Canossa,
Jeremy and Cassie: Pray for us and give us your spirit
Mama: Saint Josephine Bakhita
Jeremy and Cassie: Pray for us and give us your guidance.
All: Sign of the Cross.
Jeremy and Cassie: Goodbye, Classmates. See you tomorrow. God bless you. Be good!
Oo, meron talagang ganyan sa huli. Si Jeremy ang nagpauso nito dahil sa kanilang school, bago umalis ay may prayer at yan ang sinasabi nila matapos nilang magdasal. Akala niya hanggang ngayon, e parte yan ng prayer. Si Cassie, palibhasa parrot, ay nasaulo na at naguunahan silang matapos sabihin ang panghuling linyang iyan.
At dahil dito natatapos ang blogpost kong ito, ang masasabi ko lang ay: Goodbye, blogmates. See you tomorrow. God bless you! Be good!








