Featured Posts

What is more fun in the Philippines? At dahil uso na rin lang naman ang gumawa ng mga kung anik-anik tungkol sa hashtag na ItsMoreFunInThePhilippines, I made some myself. Dami pa kong gustong gawin pero ito lang muna:     ...

Read more

Happy new year! I was going to post this as my Facebook Status Message but decided against it since I am "Facebook-friends" with a looooot of my officemates and I am pretty sure, I would be ribbed nonstop if they read...

Read more

Chic-boy's not so chickboy response A few nights ago, on Monday, December 12, to be exact, while browsing Facebook, I came across a post about a customer who wrote a very emotional albeit funny "break-up" letter with her favorite fastfood...

Read more

Rock the Riles for Human Rights The International Human Rights Day is celebrated every December 10th. (That's a very special day to me because that's also my hubby, Bong's birthday!) In the Philippines, there is a volunteer group  called...

Read more

Say hey, Teacher A! A friend’s blogpost about a teacher from her 9-year old brother’s school has become viral. In it, she criticizes the computer teacher for giving an assignment that directed her grade three students...

Read more

  • Prev
  • Next

Hindi (pagmumuni-muni sa pagibig, sa ikalawang pagkakataon)

103

Category : musings

Hindi ko palaging naitatanong sayo kung anong nararamdaman mo lalo’t alam kong may mga problema sa trabaho.

Hindi kita palaging nayayakap kapag nagsabi ka sa akin na may masakit sa katawan mo at alam ko namang kelangan mo lang ng yayakap sayo para madama mo namang beybi pa rin kita kahit papano…

Hindi rin kita palaging nahahalikan kapag dumarating ka sa lugar na ating pagtatagpuan upang sabay na umuwi matapos ang isang maghapong pagtatrabaho…

Hindi kita palaging napasasalamatan, kahit na araw araw sa pagpasok natin sa trabaho, natutulog ako sa balikat mo habang humahalik ka sa noo ko at magkahawak kamay tayo.

Hndi rin kita napasasalamatan kapag gumigising tayo sa umaga matapos mag-alarma ang telepono ko at nakikiusap akong mauna ka nang bumangon dahil gusto ko pang matulog, kahit alam kong may mga panahong talagang pagod ka at kulang sa tulog dahil may nilamay kang trabaho nung nakaraang gabi.

Hindi ko rin palaging nasasabi sayo ang salamat sa tuwing babangon ka sa gabi para magtimpla ng gatas o magpalit ng lampin, o di kaya maglinis ng ating mga anak bago sila matulog.

Hindi ko nasasabi sayo kung gaano ko nararamdaman na maswerte ako dahil kasakasama kitang magdasal sa umaga at sumimba linggo linggo.

Hindi ko palaging nasasabi sayo ng harapan ang mga salitang Mahal Kita, kahit pa nga sa ‘text’ lang. At kung minsan, nakakakunsensiya kapag nagpapadala ka ng mga ganitong matatamis na salita, at sobrang abala naman ako sa trabaho. Pagkabasa, babalik na ang atensyon ko sa kung anumang pinagkakaabalahan kong gawin.

Marami pa akong di palaging naipadarama o nasasabi sayo…pero ang hindi mo alam… ay lagi akong nagpapasalamat sa Diyos dahil kahit ang tigas ng ulo ko noong mga panahong tinatanggihan kita (tatlong beses yun, di ba?) di ka pa rin sumuko. Pero ngayon, simple lang naman ang gusto kong sabihin sayo…Hindi ka sana magsawa dahil mahal na mahal kita.

——————————————————————————————————–

Ito ay isinulat ko noong huling kaarawan ng aking asawa, si Daddy Bong. Ito rin ay bilang suporta sa patimpalak ni G. Kulisap at ng Diwatang Gala.