Featured Posts

What is more fun in the Philippines? At dahil uso na rin lang naman ang gumawa ng mga kung anik-anik tungkol sa hashtag na ItsMoreFunInThePhilippines, I made some myself. Dami pa kong gustong gawin pero ito lang muna:     ...

Read more

Happy new year! I was going to post this as my Facebook Status Message but decided against it since I am "Facebook-friends" with a looooot of my officemates and I am pretty sure, I would be ribbed nonstop if they read...

Read more

Chic-boy's not so chickboy response A few nights ago, on Monday, December 12, to be exact, while browsing Facebook, I came across a post about a customer who wrote a very emotional albeit funny "break-up" letter with her favorite fastfood...

Read more

Rock the Riles for Human Rights The International Human Rights Day is celebrated every December 10th. (That's a very special day to me because that's also my hubby, Bong's birthday!) In the Philippines, there is a volunteer group  called...

Read more

Say hey, Teacher A! A friend’s blogpost about a teacher from her 9-year old brother’s school has become viral. In it, she criticizes the computer teacher for giving an assignment that directed her grade three students...

Read more

  • Prev
  • Next

Summer Outing sa Pansol

78

Category : life outside work, musings

Sa lahat ng mga pinlanong lakad kasama ang mga kaibigang bloggers, ito ata yung pinakamatagal na pinagplanuhan. Bakit hindi, e hindi lang naman kaunting oras ang pagsasama, halos isang araw, actually, at hindi lang inuman, kwentuhan, kantahan at basagan. May kasama pang swimming.

Naganap yun nung Sabado, May 14, sa isang private resort sa Pansol. Tito ko ang nagmamanage ng resort kaya madaling nakausap. Buti na lang at nagcancel ang nakareserve kaya nung ma-book, excited na lahat. We were supposed to be there at 7pm at ang alis ay kinabukasan, 5pm. Pero nung gabing yun, ang dami daming ibang grupo ang nagkayayaang magpunta lahat sa south kaya ang resulta, sobrang traffic! sakay ng aming puting sasakyan, we left Sta. Rosa at 5pm. Ako, si Ate Kara, Jeremy, Cassie, ang kapatid kong si Anne, ang boyfriend niyang si Onid, at ang aming dalawang yaya. At dahil kami lang ang may sasakyan, bukod sa mga damit at gamit pampaligo at mga pagkaing dala, may mga dala pa kaming lutuan, at kung anik anik pang mga gamit. Mabagal ang usad ng trapiko. At nang sa wakas ay nakarating na kami sa Calamba, tumigil kami sa Burger King para kumain. Matapos ito, tuloy tuloy na kami sa resort. Nakarating kami pasado alas-8 na ng gabi.

Pagkarating dun, ibinaba ang mga gamit, inayos, at maya maya lang nagtatampisaw na sa swimming pool ang aming mga makukulit na piglets. Nakijoin na rin ako. Kung nagtataka kayo kung bakit wala si Daddy Bong, e dahil kasalukuyan siyang nasa Cebu at naghihintay ng flight pauwi ng Maynila.  Ginanap ang graduation ng McDonald’s Kiddie Crew doon, at siya ang punong abala dito. Sa kamalasan nga lang, nagkaaberya ang flight niya kaya inumaga na siya ng dating sa Maynila. Meron siyang kwento dito.

Past 9pm na nang makarating si Kuhrach. Nanggaling siya sa Sta. Cruz kaya siguro mas mabilis siyang nakarating. Hindi ko na alam kung anong oras nagdatingan ang iba, mga past 10 na siguro ng gabi. AT shempre, dahil marami sila, ang saya ng entrance nila: Si Salbe, ang kanyang mga kapatid na sina Essy at Emon, si kaibigang Roi na mayaman at may 60k na tax, ang kaibigan niyang si Harvey na close na close kay Salbe, si Vajarl, si Yanah, si Kulisap, si Roastbeef, si Lababo, at si Lio na maraming stalkers. (Guys, may nakalimutan pa ba ako? wala na, di ba?)

Napakainit ng gabing yun, at dahil napakainit din ng tubig sa pansol, mainit ang lahat ng kaganapan na hindi ko naman nasundan lahat. LOL! Ang totoo, ang nagpainit sa lahat, e yung tinimpla ni Salbe na gin with melon juice and brown coffee. Isipin nyo naman ang lasa nun. Hindi nyo maisip? wag na. Hindi ko rin maisip. Sinundan yun ng Red Horse with Sprite kaya naman kinabukasan, wala na atang makaalala sa mga nangyari.

Ako, gustuhin ko mang magswimming nang walang patumangga, hindi ko nagawa dahil nung kasagsagan ng pagsuswimming ko kasama ang mga ka-wavelength, e biglang nagising ang mga piglets na sina Jeremy at Cassie. Dala na rin siguro ng wala sa tonong pagkanta ni Lababo. Maryosep. Pareho pala kami ng iniisip ni Anne. Habang nakahiga, pinipilit naming itama sa aming mga isip ang tono ni Lababo. haha! Peace, Labs. At dahil di ko maiiwan ang mga bata nang hindi sila mismo tatalon ulit sa swimming pool, ay napilitan akong iwan ang seryosong kwentuhan tungkol sa love at relationships sa pool.

Nung mag-aalas 4 na ng umaga, dumating na sa wakas si daddy Bong. Laking pasasalamat ko nung makita ko siya kasi worried talaga akong di siya makakauwi at masyado nang pagod para magbyahe. 36 hours na siyang hindi natutulog nung mga panahong yun. Pero buti na lang at energizer bunny ata itong hubby ko. Nakuha pa niyang magtravel to Pansol to be with us.

Pasado alas-6 na ng umaga nang maisipang tumigil sa pagwawala sa videoke ang F4 na itago na lang natin sa mga pangalang Roi, Kulisap, Lio, at Lababo. Jusme. Marami sigurong nagpasalamat! Ako, nakatulog na rin at nagising pasado alas-8 na nang umaga. Una kong pinuntahan ang dining/videoke area at namangha sa nakita. Parang scene lang naman sa isang alien abduction movie. Ang gulo gulo, nakakalat ang mga upuan, ang mga bote, at higit sa lahat, ang pagkain na pinagpipistahan na ng mga langaw nung mga panahong yun. Nasayang ang mga inihaw na tilapya at liempo. Sa sobrang ka-wasted-an ata, e walang nakaalalang takpan man lang ang mga pagkain. AT higit sa lahat, may mga bubog ng nabasag na bote ng Tanduay Ice. Kung sinong salarin, alamin natin mamaya.

AT dahil ako pa lang ang gising nung mga panahong yun, isa isa kong nilinis ang area, at maya maya pa, nagkaron na ng semblance of order yung paligid. At about the same time, nagising na rin ang dalawang yaya ko kaya tinulungan na nila ako sa pagluluto ng pagkain…nagsangag ng kanin, nagprito ng bacon at itlog, danggit, gumawa ng tuna spread (Si Kuhrach pala ang gumawa nito), nagluto ng sinigang, noodles for spaghetti, at spaghetti sauce. Nagluto ako ng spaghetti, dahil yun din ay naging advanced birthday celebration ng aming dalaginding na si Ate Kara who turned 14 yesterday, May 17.

Maya maya rin lang ay naglabasan na sa lungga ang mga tao, sa pangunguna nina Kuhrach at Kulisap. Buti na lang at koboy naman ang mga tao kaya kahit anong nakahain sa mesa, sinunggaban nila. Ang hindi lang ata nakakain ay si Yanah na sobrang masakit ang ulo dahil sa…hindi na rin niya maalala. Ganun katindi ang pinainom ni Salbe! Siguro rin kaya masakit ang ulo niya, e dahil nawalan siya ng kapares ng contact lenses niya. Sayang! Siguro by now, malinaw na ang mata ng swimming pool na nakakuha ng contacts niya. LOL!

Nang makakain, nagvideoke ulit ang iba, at ang iba naman ay lumusong na ulit sa swimming pool. Kesehodang sobrang init ng panahon, swimming galore pa rin ulit ang lahat. At about 3pm, nagsama sama ulit ang lahat sa dining area para kantahan ng happy birthday si Ate Kara ko. Matapos yun, kainan na ng cake, at maya maya lang, umahon na rin, para tuluyan nang umuwi sa aming mga bahay.

Sabi ko nga, hindi ko lahat alam ang nangyari kaya yung mga natuklasan at naisip ko randomly, ay dito ko na lang isusulat:

1. Walang sinabi ang original na F4 sa pinagsama samang pwersa nina Lio, Lababo, Kulisap, at Roi. Magaling sumayaw si Kulisap, sabi ni Ate Kara at sila ang nakabasag ng bote ni Lio habang magkasayaw silang dalawa. Sabi rin nila, maganda raw palang panggamot sa nabubog ang Joy Antibac. Glowing inside si Kulisap. Ang masasabi ko naman, dapat, hindi sila nagpapasugat kung kelan tulog na ko. May dala kaya akong First Aid kit nun! Ayun, dumanak ang maharlikang dugo sa resort dahil kay Kulisap. Nasa tono ang pagkanta ni Lio na sobrang hilig din pala sa videoke. Siya ang nagumpisa, siya rin ang tumapos sa videoke marathon. at si Lababo. Nasabi ko na bang hirap na hirap akong itama ang tono niya sa pagiisip ko? Siya talaga ang salarin kung bakit nagising si Cassie in the middle of the night at umiyak nang umiyak. Hindi nya matiis ang naririnig niya sa labas. Mabuti na lang at bawing-bawi ka sa kitkat na nilantakan ng dalawang batang pinuyat mo. bwahahahah!

2. Ang pogi pala talaga ni Roastbeef. Di ba, toot toot? Nung makita niya si Daddy Bong nung umaga, napaalis siya sa pwesto niya at kunwaring nagpunta malapit sa lutuan. Nung tawagin ko para ipakilala kay Daddy Bong, saka niya inamin na nahihiya siyang lumapit kaya napalayo siya bigla. ahahahaha!

3. Mas maganda si Essy kay Salbe. Sorry, Salbe. baka kasi sakaling isama ako ni Essy sa concert ng Maroon 5. Haha! Joke lang. Ang totoo, tuwang tuwa ako na nameet ko na finally si Essy…si Essy na sumira sa record ko bilang may pinakakiller smile sa ilalim ng tubig…si Essy na kumabog sa aming lahat sa pagpose sa mga pictures. Si Essy, si Essy, puro na lang si Essy!

4. Tahimik si Emon. Hindi ko alam kung bakit sa kung anong kamalasan e naging kapatid niya sina Salbe at si Essy. (si Essy na naman. Nasabi ko na bang natutuwa ako kay Essy?)

5. Pag nalalasing, wala ring naaalala si Yanah. Para siyang si Lio na sinusunog ang utak kapag napapainom ng kung anu anong kakaibang lasang timpla ng inumin. Bumirit ng maraming beses si Yanah sa videoke. Pero ang pinakamahalagang usapan nung gabing yun ay si PP. Kung sino siya, tanungin nyo na lang si Yanah. Hihi!

6. Si Lio ay napakaraming tanong tungkol sa love and relationships. Naging instant marriage/relationship counselor tuloy ako. Pero ang mahalagang revelation tungkol sa kanya na ngayon ko lang narealize, siya ang long lost mommy ni Jeremy. Akala ko pa naman pinanganak ko si Jeremy. Akala ko lang yun, pero hindi! hindi! hindi! Nagulat ako dahil todo bonding sila ni Jemjem. Akala ko nga ipaaadopt na ni Jeremy si Tito Lio. Buti na lang hindi. LOL!

7. Si Harvey na kaibigan ni Roi at kaclose ni Salbe ay super bait din. May kusa siyang tumulong at masaya rin siyang kasama. Sa susunod, agahan mo ang gising para ikaw na ang magluluto, ha? hahaha! Joke lang!

8. Si Vajee. Hindi ko na alam ang nangyari kay Vajee. ang alam ko, unang una niyang binalita pagkakita niya saken, na nakita niya si Wobi.

9. Si Salbe…hmmm… ang alam ko, hindi man niya sabihin kahit kanino, siya ang isa sa pinakamasayang nilalang nung outing na yun… Sabi nga niya, na sabi ko rin, hindi kelangang ipangalandakang masaya ka kung talagang masaya ka. Hindi mo kelangang kumbinsihin ang kahit na sino at sabihing “ang saya saya ko” kung sa muka mo pa lang, kita na ang kasiyahan mo. Natutuwa talaga ako na tama ang mga desisyon mo. Ang hindi lang talaga tama, e ang timpla ng mga inuming pinanglasing mo sa aming lahat!

10. Last but not the least, namiss ko talaga ng bonggang jabongga si Daddy Bong. Thursday morning kasi nung huli kaming magkita dahil nung hapon, lumipad na nga siya papuntang Cebu. Kaya pagkakita ko sa kanya nung madaling araw ng Linggo, ang saya saya saya ko! Obvious naman, di ba, dad? Wink

———–

Some pics:

 

Night swimming. Sinong wasted?

 

Pansol's Next Top Model

Ito na muna. Tinatamad akong magupload ng ibang pics. Pati yung mga pics sa camera ni Ate Kara di pa nadiDL. Sowee.

 

Sana may kasunod pa ito! At sana yung ibang naimbitahan, e makasama na. Di ba, Tarbs?

 

8 people like this post.

Kantahan, Inuman, Kwentuhan at Tarotan

225

Category : life outside work, musings

Nagsimula lahat isang Biyernes ng gabi, ilang linggo na ang nakalilipas, nang magkita kami ni Kuhracha sa isang kainan dito sa Alabang.

Sa paghuhuntahan namin, (pareho pa naman kaming madaldal at makwento), napagusapan ang pagkikita ng mga magkakaibigan sa blogosperyo. Ang setting? Videoke. Bakit Videoke? Bakit ba, walang basagan ng trip.

Gusto nila (itago na lang natin sila sa pangalang Salbehe, Vajarl at Shea) na magvideoke naman at napagusapang gawin ito sa isang resort. Sabi ko ok na idea ang videoke. Dahil kahit papano’y nasa tono naman ako at si Daddy Bong ay kulang na lang maging professional singer, mahilig din kaming magvideoke.

Ang sumunod na tanong ay saang resort at kailan? Biglang nagtanong si Kuhracha kung may videoke daw ba kami. Tamang tamang meron nga. Parang nagimbestiga lang ano? Napaisip din naman ako na kung sa resort gagawin, at overnight pa, baka malabong makasama kami nang di namin isinasama ang mga bulinggit na piglets. Kaya ayun, napagkasunduang gagawin ang videoke sa amin…aktwali, sa bahay ng aking mga magulang kung saan dati ako nakatira (shempre, saan pa ba?)

Kailan naman ang party? Hindi maaari noong weekend na iyon dahil nakatakda kaming lumipad patungong lah lah land. Ang sumunod na weekend naman ay kaarawan ni Rizal. Hindi din pwede. Bakit? Hindi ko alam basta naisip namin ni Kuhracha na hindi yun pwede. (napapaisip tuloy ako kung bakit nga hindi pwede.) At sa wakas ay itinakda naming gawin iyon sa sumunod na weekend.

At yun nga ay naganap noong Sabado. Pero ilang araw bago yan ay katakut takot na plurk private messages muna ang aming pinagsaluhan. Karamihan dito ang usapin sa oras ng pagkikita ng mga dadayo sa Sta. Rosa, kung paano nila pupuntahan ang promding sina Mami Kaye at Dadi Bong, anong mga dadalhin—shempre kaunaunahan ang alak at chismis, at marami pang iba. Maraming inimbita, pero marami rin sa kanila ang isnabero at isnabera (joke lang pero half-meant.)

Sa huli’y siniguradong darating ang mga sumusunod: Kuhracha, Vajarl, Shea, Kikilabotz, Salbehe at isang misteryosong guest na itago na lang natin sa pangalang Duking.

Pasado alas-5 na ng hapon nang timbrehan ako ni Kuhracha na nasa Sta. Rosa na sila nina Vajee, Shea at Kikilabotz. Matapos ang sampung minuto, naroon na sila sa tagpuan sa plaza ng Sta. Rosa. Doon namin sila sinundo ni Dadi Bong at Jeremy na biglang naging mahiyain sa mga tao…inaantok lang pala. Ayun, pagkasakay na pagkasakay nila sa aming sasakyan, sinabi rin nila agad na may kagandahan silang ginawa (read: katangahan) Ano yun? Naiwan lang naman nila ang French fries at hotdog na dinayo nila sa Festival Mall sa Alabang. Mabuti na lamang at yun ang eksaktong mga binili ko noong gabi ng Biyernes bago umuwi. Sana lang nakita ng driver ng van na sinakyan nila ang mga naiwan nilang epektos para naman mapakinabangan pa rin kahit papano.

Matapos ang ilang mga lakad pa ay umuwi na rin kami sa amin. Pagkababa ng mga gamit at pagkapahinga, sinimulan na ang pagkanta…sinimulan na pala namin ni Cassie. (mabuti na lang at naiayos na ng kapatid kong si Anne at ng kanyang nobyong si Bonid ang lugar kung saan kami magkakantahan)

Kinanta namin ni Cassie ang walang kamatayang Paparazzi. Gusto kong isipin na namangha sila sa galing ng anak ko. (walang kokontra. Stage mother din ako akala nyo!) At sinundan namin ng awiting inaawit namin sa aming pagtulog ang You Changed My Life in a Moment. Taob na naman sila kay Cassie.

Maya maya pa’y inumpisahan na rin nilang kumanta at kumain ng chichirya. Di kami makapaghapunan dahil wala pa noon si Salbe na kasalukuyang nagbibiyahe papuntang Robinson’s Sta Rosa upang katagpuin si Duking (uuuuyyy!) Isang oras lang naman ang pinaghintay ni Duking (na buti na lang e hindi naduling sa paghihintay).

Pasado alas-8 na nang magparamdam si Salbe at sabihing magkasama na sila ni Duking. Sinundo sila ni Dadi Bong habang ako ay naiwan para makikanta.

Pagkarating nina Salbe, nagkumustahan, pakilanlanan, at nagkayayaan nang kumain (tama ba ang chronology?) pinakahuling dumating si Salbe pero pinakamalakas at nangunguna ang boses niya sa pagsabing “sige” nung magyaya akong kumain na kami.

Habang kumakain, sige pa rin ang kwento. Kinuwento niya ng bonggang bongga ang istorya ni Roi. (Roi, kung mapunta ka dito sa site ko, patawad. Pinagusapan ka namin. Sabi naman ni Salbe, may bendisyon mo naman…di ko nga lang alam kung may bendisyon mo nung laitin ka namin. Hahaha! Biro lang, Roi.)

Matapos ang kainan, nagpahinga ulit sa extension ng bahay kung saan kami nagvideoke, at nagkaron na ng tarotan. Ako ang unang sumalang. Kakaiba ang tarot cards ni Salbe. Maganda, kakaiba, nakakatakot, at higit sa lahat, kulang! Pano mo naman mahuhulaan ng tama ang isang tao kung kulang ang tarot cards? Iyon lang magaganda ang picture ang dinala ni Salbe. Pero di namin alam yun shempre nung una. At dahil ako ang unang sumalang, mega shuffle ako ng cards at pagkatok ng dalawang beses. Ang maganda nito, me kasamang pagsambit ng Knock Knock habang kinakatok ang deck ng cards. May silbi pala yun. Dangan lang at basic service lang ang ibinigay ni Salbe sa akin. Pero dahil may baong panangga si Kikilabotz, ayun, may value-added service ang hula ni Salbe sa kanya. Kung ano yon ay di ko sasabihin kasi baka magpahula kayo kay Salbe at di na kayo maexcite. Ang totoo, exciting ang mga hula ni Salbe na lalo pang pinaexciting ni Duking.

Maya maya lamang, matapos hulaan ang halos lahat ng naroroon, ay binalingan na namin ang pagkanta. Hindi namin pinatawad ang mga bago at lumang kanta, at lalong mabili ang mga kanta ng Aegis, Air Supply, new wave, at higit sa lahat, ng palabas na Glee. Ang Videoke King award ay dapat kong ibigay kina Vajarl at shempre, kay Kikilabotz. Hands-down winner sana si Kikilabotz na talagang ipinagmalaki pa nila sa akin ang husay at talento sa pagawit, pero kelangan ko ring bigyan ng pansin si Vajee na kinabog si Chris Colfer at pati na rin si Dadi Bong sa pag-awit. At ang Videoke Queen ay walang iba kundi si Kuhracha. Kasabay ng pagkanta ay ang pagtagay…may beer at may tequila at ang tanggera? Si Shea. Sinabihan ko siyang huwag madudulas sa hagdan dahil kawawa na naman ang mga binti niya pag nagkataon.

Lampas hatinggabi ang inuman at kantahan. Mabuti na lamang at naisipan pa naming magkodakan bago magmukang “wasted” ang mga tao. Wala namang nalasing, pero kung narinig mo siguro kung paano ang kantahan, malamang di mo malalaman ang pagkakaiba ng lasing sa hindi lasing. (biro lang!)

Nang mapagod sa pagkanta, napagbalingan ang kwentuhan. Maraming maraming maraming maraming kwento. At sa palagay ko, kung ikaw ay isa sa mga blogger na mahilig magpunta sa mga blogsite ng mga taong nagkita kita noong Sabadong iyon, pihadong isa ka sa mga napagusapan namin.

Magaalas-4 na nang magpasya kaming lisanin ang bahay ng aking mga magulang upang lumipat sa maliit naming tirahan na walking distance lang din naman mula doon. Si Duking ay nagpasyang umuwi sakay ng kanyang motorsiklo, habang lahat kami’y naglakad na papunta sa aming tahanan. Pagod na ang lahat at antok kaya’t si Kikilabotz, paglapat pa lamang ng likod sa higaan, ay daglian na ring natulog.

Kami ni Bong ay naghanda na rin sa pagtulog at ilang minuto lang, ay tahimik na ang buong bahay.

Kinabukasan, matapos ang brunch ay nagpasiya nang umuwi ang lahat. Ayun, balik sa ingayna lamang ng mga piglets ang munting bahay namin, na sumandaling napuno ng halakhakan ng mga bisitang nagsipagbalik na sa kanikanilang buhay at bahay…

Anyare?

______________________________________

Update:

Dito ko na lamang ilalagay lahat ng mga larawang kuha nung gabing yun. Muntik na magkalimutang naghanda kami ng camera para may ebidensya ng pagkikita dahil nasobrahan yata ang lahat sa kanta, inom at chismis. pero narito ang ilang mga larawang naalala naming kunin…

Ayun ako sa likod ni Vajarl, si Salbe, parang modelo lang ng instant coffee, si Kikilabotz, parang mabait lang, at si Shea, na tanggera. Asan sina Duking, Kuhracha at Bongkito? Si Kuh ang photographer, si Duking, di ko alam kung nasan at si Bong ay umuwi sandali

Yun pa rin, umiba lang ako ng pwesto.

Ayan na si Kuhracha...si Shea naman ang nawala.

Si Dadi Bong at ako...ang sweet!

Mabuti na lang at may self-timer ang camera kaya kumpleto ang barkada.

Ang kulit ni Dadi Bong.

Ayaw humarap ni Duking sa camera. Ayaw mo bang makunan ng picture kasama si Vajarl?

Muka bang wasted na ang kilabot na nurse at ang tanggera? parang di pa umiinom ano?

Ito ang kuha bago magalisan ang mga bisita. Sumama sa picture taking ang mga bulinggit na sina Jeremy at Cassie, at shempre, ako e parang wala pa sa huwisyo kasi nagluto ako ng kinain namin at biglang napapicture taking. ayun tuloy...

Sana parang Facebook lang, na pwedeng i-tag na lang ang mga larawan kasi parang lasing lang ata ang naglagay ng caption. hehehe. Nagmamadali po ako kasi siningit ko lang ito. Dahil si Dadi Bong e kanina pa nagtetext saken at pinepressure akong magpost ng mga pictures dito.

Sa uulitin!