Featured Posts

Please allow me to continue where I left off in yesterday's post. This time though, it will just be a narrative report  (heheh) of what happened after my dearest hubby surprised me and made me cry a river...

Read more

Seven years into our marriage, eight years of togetherness, really, if you will count the one year we were a couple, or even fifteen years if we will consider the time we were introduced to each other,...

Read more

What is more fun in the Philippines? At dahil uso na rin lang naman ang gumawa ng mga kung anik-anik tungkol sa hashtag na ItsMoreFunInThePhilippines, I made some myself. Dami pa kong gustong gawin pero ito lang muna:     ...

Read more

Happy new year! I was going to post this as my Facebook Status Message but decided against it since I am "Facebook-friends" with a looooot of my officemates and I am pretty sure, I would be ribbed nonstop if they read...

Read more

Chic-boy's not so chickboy response A few nights ago, on Monday, December 12, to be exact, while browsing Facebook, I came across a post about a customer who wrote a very emotional albeit funny "break-up" letter with her favorite fastfood...

Read more

  • Prev
  • Next

What is more fun in the Philippines?

40

Category : family, life outside work, Motherhood and parenting, musings

At dahil uso na rin lang naman ang gumawa ng mga kung anik-anik tungkol sa hashtag na ItsMoreFunInThePhilippines, I made some myself. Dami pa kong gustong gawin pero ito lang muna:

 

 

Breakfast food for dinner. More fun in the Philippines

Nung isang gabi, bigla akong sinumpong ng kagustuhang kumain ng sardinas for dinner.  Hindi naman ako naglilihi dahil kahit nung nagbubuntis ako e hindi nauso sa akin ang lihi lihi.  Pero kung bakit ba naman hindi ko pa naigigisa e natitikman ko na ang sarap ng ginisang sardinas. At para maging totoong breakfast ang dinner ko e binigyan ko pa siya ng partner: ang hot choco na ginawa ni Daddy Bong. Ito ay gawa sa tablea na freshly-made sa Batangas. Taga Batangas kasi ang father-in-law ko at galing sila dun. Smile

 

 

Feeding tigers. more fun in the philippines

This photo was taken during our trip to Tagaytay, sa Residence Inn Zoo in 2010, where for a fee, you get your photo taken while feeding kuning kuning a baby tiger. Since it was Ate Kara’s birthday and she wanted a photo op with the tiger, gora kami at isinama pa sa photo op ang pagkakulit kulit na si Jeremy, whose other hand I had to hold for fear na hahablutin na lang niya ang tiger. E pag nagkataon, baka kami ang maging merienda, dinner at midnight snack ni baby tiger. Smile

 

Getting sunburnt. more fun in the philippines

Hindi pa ba naman obvious na sobrang sunburnt/sunburned na dito ang bunso namin? masama pa ang loob nung pinaahon. This photo was taken in Panglao, Bohol when we went there in July. Smile This year, gusto namin silang madala for the first time sa Boracay. Good luck naman kung me murang plane fare papunta dun Smile

 

praying. more fun in the philippines

At dahil alam na ng lahat kung gaano kamaldita ang bunso namin, palagay ko maniniwala kayong lahat pag sinabi kong, Praying is really more fun in the Philippines. At para sa hindi pa nakakaalam, ganito ang evening prayer namin palagi:

All: Sign of the Cross.

All: Prayer of praise and thanks–for our lives, for giving us another day, for all the blessings.

All: Prayer for blessings where we ask God to bless each and everyone especially the people we mention. (family, friends, teachers, shop employees/workers)

All: Prayer to our Guardian Angel.

All: Amen.

Tapos ay ito:

Mama: Saint Magdalene of Canossa,

Jeremy and Cassie: Pray for us and give us your spirit

Mama: Saint Josephine Bakhita

Jeremy and Cassie: Pray for us and give us your guidance.

All: Sign of the Cross.

Jeremy and Cassie: Goodbye, Classmates. See you tomorrow. God bless you. Be good!

 

Oo, meron talagang ganyan sa huli. Si Jeremy ang nagpauso nito dahil sa kanilang school, bago umalis ay may prayer at yan ang sinasabi nila matapos nilang magdasal. Akala niya hanggang ngayon, e parte yan ng prayer. Si Cassie, palibhasa parrot, ay nasaulo na at naguunahan silang matapos sabihin ang panghuling linyang iyan.

At dahil dito natatapos ang blogpost kong ito, ang masasabi ko lang ay: Goodbye, blogmates. See you tomorrow. God bless you! Be good!

1 person likes this post.

Comments (40)

medyo napatulala ako matapos kong mabasa ang name na Saint Josephine Bakhita at canossians pala kayo. bumalik sa aking alala ang lahat hahaha at isa si Saint Josephine Bakhita sa hindi ko makakalimutan dahil naging slave sya at negra sya at taga Sudan at Islam sya dati.  

Noong nsa convent pa ako, habang nagaaral kami ng life of saints yong aspirant na galing st. paul na school ang nakabarkada ko astigin diko alam kong bakit pinasok nya ang pagmamadre  magaling sya magmemorize ng mga dates ng birth, place at kung kelan nacanonized ang isang saints sya madalas yong kopyahan ko. sya din ang nagturo sakin  ng kantang Patience ng Guns N’ Roses, sya din nagturo skin maguitara hahaha yan napakwneto na ako. sya din yong may nakaaway at nakipagsabutan sa CR dahil sa lang sa isang halaman. ngayon madre na sya at nasa Cambodia nagtuturo sa mga bata at sna hindi nya na tinuturo ang mga kanta ng Guns N’ Roses hahaha

awww… kilala mo siya! actually, when I was in High School, di pa siya saint, gumawa ako ng isang play about her life. nung nagbabasa ako ng life story niya, sobrang nalungkot at naiyak ako dun. she became a slave when she was very very young. She endured so much physical and emotional pain, lalo at napakabata pa niya nung mahiwalay sa pamilya niya. Can’t imagine my life without my kids!  But in the end, sobrang lakas ng calling niya that even though she did not know God, nararamdaman na niya talaga yung divine presence ni Lord. Smile 

hey, at galing ka pala ng kumbento. anyare? hahaha! saang kumbento ka ba at kilala mo ang canossian saint na si St. Josephine Bakhita pero kasama mo ay aspirant na galing ng st. paul. hahaha!

i’m sure, wherever she is, e maganda ang mga kantang tinuturo niya. saken, if Guns N’ Roses would make it easier for her to reach out to her students, i’d say bring it on! haha! kung ako yan, tuturuan ko sila ng mga kanta hindi lang ng Guns, kundi ng metallica, nirvana, etc. hahaha!

Yong mga orders po kasi napagaaralan sa loob kailangan mamemorize yan yong madalas ipaexam eh hahaha at kung sino sino yong naging saint sa mga bansa bansa at kung pano sya naging saint.

Oo, Mom Kaye galing ako don at halos don na ako nagkaisip hahaha si nanay kasi sabi nya may calling daw ako malakas daw yong pagkakatawag sakin nong nandon naman ako may bulong naman kahit papano, pero pawala ng pawala yong bulong habang tumatagal kaya ayon lumabas ako at nilagyan ng plakard ng mga madre ng “wag tularan, nakamamatay”

Oo nga po eh, St. Paul pa sya galing astigin sya, sabi ko nga sa kanya ba’t Augustinians pinili nya sabi nya don daw sya dinala eh malakas daw yong pagkakatawag sa kanya ng Augustinian sisters.

Ay shaks pangarap ko ring makalapit sa Tiger! Saka sa Polar Bear! Saka sa penguins! Malapit na mag end of the world! Haha.

Mas magaling pa magdasal sakin sina Jemjem kahit nung bata pa ko at nagkukunwari akong religious. Goodbye classmates! Haha.

Nung nagpunta ako sa blog ni Jec, nainggit ako sa beach. Ngayon feeling ko tinatawag na ko ng mga laman dagat. Shaks. I just wanna be on the beeeach. Sunburn! Ngi!

sabi nga hindi pa mageend of the world kasi maraming bagay na mageexpire pa in 2013, 2015, etc. haha! 

magbeach tayo!!! tara!

miss ko na ang sardinas! argh!

ahm.. dont worry, im always good. ahihihi!

mabuti naman kung always good ka. altho duda talaga ako diyan nang slight. ahahaha!

‘yung kakabukas lang sa lata? hindi ko po kayang kainin, mami kaye. dapat ginisa para masarap.

pero meron akong paboritong sardinas (hindi ko alam kung sardinas nga talaga ‘yun). ‘yung sardinas na kulay puti ‘yung sabaw? tae, hindi ko maalala ‘yung pangalan. ‘yung matataba ang laman tas ang sarap-sarap nung sabaw niya na parang tubig pero malasa? shet, sakit sa ulo. babalik po ako rito pag naalala ko na pangalan.

aliw ‘yung getting sunburnt. pwedeng-pwedeng pang-dot poster. goodbye classmates! XD

haha! don’t worry hindi ko rin kaya yung sardinas in tomato sauce na straight from the can. pag ganun ginigisa ko rin muna at mas sumasarap dahil sa bawang at sibuyas Smile kaya ko lang ang straight from the can kung spanish sardines yun. hihi!

yung paborito mong sardinas, hokkaido o saba? yan yung dalawang brands na alam kong puti ang sabaw at malasa. haha.  

si daddy bong ang kumuha ng pic na yun. pati yung praying at pati yung feeding the tiger. be good!

wahahaha! naunahan mo ‘ko mami kaye. ‘yun nga. ‘yung hokkaido. nakakatatlong platong kanin ako pag ‘yun ang ulam. kahit straight from the can. nagugutom tuloy ako mami kaye. haha! makabili nga mamaya. XD

haha nakuha mo text ko? nung mga bata kami paborito rin namin yan. nilalagyan pa ng kamatis at repolyo para may gulay. haha. makabili nga rin para sa bahay Smile

ako? wala akong nakukuha mami kaye — dude
ice breaker lang! hahaha

ha? e di naman for dude yung text ko e. ke lio yun dahil nga di niya alam ang brand nung sardinas kaya tinanong ko sa kanya kung hokkaido o saba yung brand nung gusto niyang sardinas. 

kala mo kung anong tinext ko no? you should have just asked, you know.

no i was joking lang (peace lang Lio ha? Grin) . neways, naiintriga nga ako dun sa hokkaido, and all i thought it’s something na inumin or what… yun pala yun.
 

Ikaw na magaling mag-Photoshop! Ang ganda ng pics. At syemre ang kukulit ng mga piglets.

hihi sempre trabaho ko yan tsaka ang dali dali naman nyang gawin e. 

makukulit talaga ang piglets. mana sayo. haha!

Be, san mo nakuha yung fonts? meron na sa net nun?!? asteeg! maka-DL nga!
ang miss ko na pala kumain ay sisig ng Congo Grill. nawala kasi yung nasa SM Sta Rosa e. or pede rin yung lobster roll na kinakainan ko before Mongkok. masarap yun kasama ng yangchao e!
hay… parang gusto ko mamaya ng bagong peborit ni Kristeta… sana meron pa sa bahay… onlyindaPhilippines!!!

it may be downloaded for free over the net, it’s Harabara font, if im not mistaken.

i love congo grill’s sisig and frozen maki. I miss them, too Smile

anong bagong paborito niya, yung san marino corned tuna? don’t know if we still have it at home e.

ay sayang! sige whatever na lang nasa bahay mamaya is okay. kaw you like chic boy right? agahan natin if you want…
 

hi kaye, ansarap sa bohol no, parang wala tayo sa pinas sa dami ng mga foreigners, kaso anmahal ng accommodation, food, taxi fare, lahat mahal, wah!  pero super-mega-over ganda naman talaga Smile

ngaps, si taribong, 1st time rin lang nya sa lungga ko, pero sumali sya, wala naman sa panuntunang binigay ko na dapat matagal ka nang dumadalaw sa lungga ko di ba?  kaya ikaw, join ka na rin, tutal malapit ka lang naman don Smile

saka may judging pa naman di ba Smile     

sarap na mahirap dahil sa gastos, tama ka. hahaha! 

si tarbs kasi talagang makulit na nilalang.

thank you for visiting me here Smile

ei, ang ganda ni cassie sa pic na naka-swimsuit. ang ganda rin ng pagkakuha. iyan ang boto ko sa it’s more fun pics mo, ahaha. swak na swak.  Worship

gusto ko rin yong chorus sa huli, lols na lols. para sa matatanda nang gaya natin ang message na be good, hehe.

btw, tanong ko rin yong paano nagsu-subscribe sa site mo. eons ago ko pa hinahanap ‘yon dito sa site mo, di ko makita… :c

warm regards sa inyow!

hi, ate susan. Smile 

andiyan sa taas yung subscribe to RSS button, click mo po yan tas copy the URL and paste on your rss reader. haha! ganun ba kadali yun? sorry na hindi ako teknikal na tao. hehe.

gustong gusto ko rin yung pic ni cassie na sobrang sunog. talagang enjoy na enjoy sila maglaro ng buhangin kasi nga ang lambot. hihi! si bong ang kumuha ng photo, shempre. haha!

ei, di ko alam ang rss and how it works, kaye. aalamin ko pa, haha. ang alam ko ay mas low-tech –  subscription via e-mail. does rss work in similar manner? pasensya naman, engot ang lola mo, hehe. 

btw, sarap lambutsingin ni cassie sa itsura nyang ‘yon. parang magba-bounce, ahehe. Big Smile peace.

Kyoooot ni bunso piglet! Love yung praying na photo! And naghahanap ako ng tulog-tulugan pose!

thank you! yung tulog tulogan pose kasi pang Disneyland daw. Hahahaha!

wahahaha!!! nalalasahan ko sa picture yung sibuyas dun sa ginisang sardinas!!! ahahaha!!! gy shift ako at ang sabi nila kapag graveyard ang trabaho mo… halos puro almusal lang ang meal mo… pag gising mo ng gabi, almusal, lunch mo sa office, almusal, tas pag uwi mo sa umaga… almusal ulit… haiz… puro na nga “-silog” ang kinakain ko… tatry ko mamaya ung ginisang sardinas… as in parang ang yummy iyan…

nakakatakot ung tiger!!! wahahaha!! hindi ba sila kumakain ng meat?… just wondering…

i’m always good din po classmate…

haha natawa naman ako sa puro almusal. gusto ko tuloy ng silog ngayon. hihi tsaka sardinas pala. hahaha! 

kumakain ng meat talaga kaya nga very careful kami e. lalo at may kasamang little boy na baka bigla na lang hilahin yung balahibo. lagot.

The girl on the last picture is so cute. Smile

the little girl is Cassie, our youngest Smile

Panalo…

Ginisang sardinas with hot choco from tablea…miss ko rin ang century tuna yung hot & spicy…onli in the Pinas.

Yes ganda…Panglao Beach with the tsikiting…babalik  rin ako sa beach na yan someday.

Amen…madasalin ang mga Pinoy. Sa totoo lang eh kung walang mga Pinoys katulad dito sa lugar namin ay konti lang palagay ko ang laman ng simbahan.

God Bless!

Tay! namiss na kita ah. 

parang feel ko tuloy mamaya magtuna. hehe Smile

God bless din po tay. Smile

haaaay!! pag ka cute cute na mga kids ^^

napadaan here ^^

ganda ng mga it’s-more-fun-in-the-Philippines photos mo Wink

nainggit ako sa feeding w/ the tigers..tehee!

you can feed the tigers din. sa Tagaytay yan, Residence Inn zoo. For a fee of P50 ata  you can have the chance to feed the tiger nang mabilisan. cute nung tiger pero mas natakot ako na mahila ng cute little boy ko yung balahibo ng tiger at kami ang maging snack niya kaya yung smile namin diyan e may certain amount of caution. ahaha!

hi ate kaye.
talagang usong uso to ngayon. kahit saan ka bumaling merong it’s more fun.

ako rin minsan pang breakfast ang dinner ko. di maiwasan e. pero nagulat ako sa tiger. diba nangangagat yan? hehe

nakakatakot ang tiger. haha

at uso din sa amin ang breakfast food for dinner. minsan yung ganung simpleng pagkain ang kelangan mo lalo at pagod ka sa trabaho. Smile

Nakakamiss din kumain ng sardinas. The other day kumain kami ng Sardinas kasama mga Youth sa Church. Nasimot ang dalawang malaking lata ng sardinas. It’s more fun in the Philippines.  God bless the Philippines.!

haha gusto ko tuloy ngayon ng ginisang sardinas. Smile

ano pong font ng more fun in the philippines? lol walang masabe.
 
panalo yung tiger feeding! sana ma-experience ko din magpakain ng favorite animal ko.

ahahaha. Harabara font yan, cheese Smile 

panalo yung tiger feeding talaga pero nakakakaba.

Post a comment

Liven up your comment!
SmileBig SmileGrinLaughFrownBig FrownCryNeutralWinkKissRazzChicCoolAngryReally AngryConfusedQuestionThinkingPainShockYesNoLOLSillyBeautyLashesCuteShyBlushKissedIn LoveDroolGiggleSnickerHeh!SmirkWiltWeepIDKStruggleSide FrownDazedHypnotizedSweatEek!Roll EyesSarcasmDisdainSmugMoney MouthFoot in MouthShut MouthQuietShameBeat UpMeanEvil GrinGrit TeethShoutPissed OffReally PissedMad RazzDrunken RazzSickYawnSleepyDanceClapJumpHandshakeHigh FiveHug LeftHug RightKiss BlowKissingByeGo AwayCall MeOn the PhoneSecretMeetingWavingStopTime OutTalk to the HandLoserLyingDOH!Fingers CrossedWaitingSuspenseTremblePrayWorshipStarvingEatVictoryCurse

© 2005-2012 Keekaye's sketches All Rights Reserved

© 2005-2012 Keekaye's sketches All Rights Reserved