Jologs talaga akong nanay. Kukunsintihin ko ang kalokohan ng anak ko basta ikaliligaya niya at shempre within bounds. So pano ako naging jologs? Yun, kahapon, Kara and I went to Robinson’s Sta. Rosa to see Parokya ni Edgar as they promoted their newest album. Siksikan kung siksikan, wafakels basta maging happy si Ate Kara.
Ayun, when we got to the mall, ang dami dami nang tao, fully-packed ang event center and they were already singing one of their famous songs, Halaga. After this, they sang Picha Pie and Yes Yes Show. Ito na yata ang huli. Basta parang 3 songs lang ang naabutan namin. We initially thought the show would start at 5pm, but I think it started at 4:30, so when we arrived at a little before 5pm, ayun, in full force na ang kantahan.
Ganun pa rin naman kakulit ang PNE. Kaya lang namimiss ko yung mga panahong hindi pa sila super sikat, at pakanta kanta sila sa mga colleges sa UP. Nung mga panahong yun (I was still in the College of Mass Comm, aka Plaridel Hall), nagco-cross dress sila at sinusulatan nila ang mga braso at katawan nila ng mga kung anu-ano lang bilang fake na tattoo. Ngayon lahat ata sila may totoong tattoo na. Haha!
Shempre, after the brief show, may meet and greet, yun e kung may ipapa-autograph kang CD nila. Tinanong ko si Ate Kara if she wants us to buy the CD. Sabi niya nung una, hindi na lang daw. Chos. Nahiya pa ang lola. Sabi ko, halika na, let’s buy a CD. Ayun, yun lang ang kelangan at biglang animated na ang muka ng baby ko.
Nasabi ko na nga bang jologs akong nanay? Ayun, matapos bayaran si CD at bigyan kami ng poster, pumila na kami. Oo, ako na hindi mahilig magpaka-fan (mapwera lang kung ang involved ay The CompanY at yung mangilan ngilang artista/singers na gusto ko) ay pumila para magpautograph at kunan ng picture ang anak ko kasama ang mga miyembro ng PNE. Apart from The CompanY, the last time I did this with Kara was when Jed Maddela also went to the same venue to promote his album.
Pero dahil nga nung isang linggo pa umuungot si Ate Kara, e sige, gora kami. At eto ang resulta ng aming pagpupunyaging makita in person ang PNE (altho matagal ko na silang napapanood sa UP noon).
and last but not the least,
Ayun, ang bongga ng pic ni Ate Kara ko with Vinci. Anak, bagay kayo ni Vinci…bagay kayong mag-ama. Ahahahaha! Infernez, pwede nga dahil matanda lang ako ng less than a year kay Vinci. Hahahaha!
I would like to think that Ate Kara went home really happy. In fact, she wouldn’t let the piglets touch the free poster we got. Haha! Sana isang araw e makanood kami ng concert talaga ng PNE para mas maappreciate niya kung gaano kasaya sila magperform.
Ikaw, anong kwentong jologs mo?










