What I’ve felt
What I’ve known
Never shone through in what I’ve shown
Never be
Never see
Won’t see what might have been
What I’ve felt
What I’ve known
Never shone through in what I’ve shown
Never free
Never me
So I dub thee UNFORGIVEN
Pauwi ako kagabi, sakay sa service na magdadala sa akin hanggang sa town plaza ng Sta. Rosa kung saan ako sasakay ng isa pang tricycle para naman makarating sa aming tahanan, at habang naghihintay ng mga pasahero upang mapuno ang service, napansin ko na CD music ang pinatutugtog sa sasakyan.
Kanta ng Metallica ang nakasalang, Unforgiven. Napakanta ako. Isa ito sa mga paborito ko nung ako ay high school pa lamang. Naisip ko, halos alam ko pa rin ang lyrics ng kanta.
Bigla rin akong napaisip. Ika-20 na pala ng Agosto kinabukasan. Ngayon yun. At naalala kong labindalawang taon na ang nakararaan nang iwan mo kami.
Umaga noon, kumakatok ako sa pinto ng kuwarto mo, upang gisingin ka dahil papasok ka noon sa kolehiyo. Ihahatid tayo ni Papa sa Makati kung saan ako nagtatrabaho, at dun ka din naman bababa. Hihintayin kong makasakay ka ng bus na magdadala sa iyo sa Taft bago ako tuluyang pumasok ng building namin para simulan ang isang maghapong pagtatrabaho. Hindi ako makapasok sa loob hanggang di ko nasisiguradong nakaalis ka na lulan ng bus.
Pero nung araw na iyon, wala akong narinig na sagot mula sa iyo. Pinihit ko ang seradura ng pinto pero walang nangyari, hindi ko mabuksan. Kumatok ako ng malakas, pero wala. Umikot ako sa labas ng bahay sa tapat ng kwarto mo, pero pati ang iyong bintana ay nakalapat. Tumawag ko pero walang sagot. Iba na ang pakiramdam ko.
Bumalik ako sa loob ng bahay at kinuha ang susi. Nabuksan ko naman ang pinto, pero hindi ko maitulak paloob dahil may nakaharang. Iba na nga ata ito. Natatakot na ako, kinakabahan. Ano bang nangyari sayo?
Pinagtulungan naming buksan ang pinto mo, at sa wakas ay nabuksan na. Pero kakaiba ang pakiramdam ko. Nakita ka naming nakalugmok sa sahig ng kwarto mo, wala nang buhay. Dinala ka sa ospital, pero wala na, matagal mo na siguro kaming iniwan, kasabay ng pagtigil ng orasang nakahimpil sa dingding ng kwarto mo.
Sometimes I feel like I don’t have a partner Sometimes I feel like my only friend Is the city I live in, the city of angels Lonely as I am, together we cry
Walang nagawa ang lahat ng luha namin dahil iniwan mo kaming nagtatanong. Ni hindi namin alam kung matagal ka nang malungkot at naisipan mo na lang na wala rin kaming maitutulong sayo kaya mabuti pang iwan mo na lang kami.
Hanggang ngayon tinatanong ko pa rin sa sarili ko kung ano nga bang nangyari. Hindi pa rin malinaw ang lahat. Nung isang araw lang napagusapan ka namin ni Mommy. Ang tanging nasambit niya, siguro, talagang hanggang ganun na lang ang buhay mo. pero nasabi din niya, ano kaya kung buhay ka pa? siguro may asawa’t mga anak ka na, at lalong mas magulo pero mas Masaya pag nagkasama-sama tayo.
Pero kahit anong gawin o isipin ko, wala na rin namang mangyayari. Kasi wala ka na. Pero alam mo, kung may isang pagkakataon akong babalikan, yun ang gabi bago ka mawala. Baka sakali kung nayakap kita o nakakwentuhan nung gabing yun, tulad ng ginagawa mong pag-raid sa kwarto namin pag nagkukuwentuhan kaming mga babae, baka sakali…baka sakali…kasa-kasama ka pa rin namin hanggang ngayon.
With the lights out, it’s less dangerous Here we are now, entertain us I feel stupid and contagious Here we are now, entertain us
Pauwi ako kagabi, sakay sa service na magdadala sa akin hanggang sa town plaza ng Sta. Rosa kung saan ako sasakay ng isa pang tricycle para naman makarating sa aming tahanan, at habang naghihintay ng mga pasahero upang mapuno ang service, napansin ko na CD music ang pinatutugtog sa sasakyan. Ang mga kantang tinugtog, puro alternative songs. Mga awiting pinakikinggan ko noon, na pinakikinggan mo rin. Metallica, Red Hot Chilli Peppers, Nirvana…mga awiting minsan nagustuhan nating pareho.
Pero noon yun. ngayon kapag naririnig ko sila, hindi ko maiwasang malungkot at maalala ka.
Sana’y Masaya ka kung nasaan ka man ngayon. May you rest in peace, Lon. At sana’y alam mong mahal na mahal kita.





base ako Be! sana lang perst! hehehe basa muna
iba nga tlaga kung si Lon nandito. sayang at di ko sya nakilala. minsan naiisip ko rin na ‘pag nakikita kitang nakatunganga ay baka may naiisip kang iba maliban sa trabaho… at naiisip mo si Lon. Sana talaga nakilala ko s’ya at sana nakakakulitan n’ya rin ang mga makukulets!

I really pray one day you’ll be at peace with everything… from knowing the answers to all the questions. I know he’s happy to where he is now. And I know he contionuously prays for everyone of us in the family. Malay mo, magkasama pa sila ni Jon. Tagakanta si Jon, tagatugtog naman si Lon! That would be wonderful to see!
Andito lang ako Be ha? And I know you know that.
thanks, Dad. I know I can count on you…
inasmuch as you regret not meeting Lon, ganun din naman ako ke Jon. And I am hoping they’ve met there and they’re making beautiful music together.
aw! ms. kaye, walang kwenta kong sasabihin kung ok lang yon kasi di talaga ok ang mawalan ng mahal sa buhay, remember yong entry dati ni vajee, na-ishare ko yong situation nang pinsan ko na tinuring naming kapatid..almost pareho ng situation hanggang ngayon marami parin yong mga tanong, andun parin ang sakit tuwing pasko o may family gatherings, tanging nagagawa namin ay i-pray sya na sana he may rest in peace, na sana payapa na sya… at matutong mag move on ang kambal nya.
asan man ngayon ang brother mo, masaya na sigoro sya kasi nakikita nyang ok na kayo..
talagang pagpray na lang natin sila kasi yun ang pinakakailangan nila right now from us… thanks, Ani!
12 years na pala yun? parang kelan lang. natatandaan ko pa nung nagpunta ako dyan. parang dinig ko pa rin ang mga kwentuhan sa paligid ko. kaya sigurado ako na twing dadating ang ganitong panahon, pareho pa din ang sakit na nararamdaman ng buong pamilya nyo.
hugs, mare.
balewalang sabihin na lilipas din ang sakit, kasi alam ko ang mga ganyang bagay eh hindi kayang burahin ng panahon. pero, sana, habang nagbibilang ka ng taon mula nang nangyari yan, maging mas malinaw sana sayo ang masasayang alaalang naiwan nya.
sigurado akong masaya sya ngayon. dahil ang mga tanong nya noon, nasagot na yan lahat. dadating ang panahon na magiging malinaw din sa inyo ang lahat. ang importante, buo pa rin kayo. at walang sisihan na naganap. ika nga ni tita, hanggang doon na lang siguro talaga yun.
ayan ha, tagalog yan. baka sakaling matawa ka
you actually made me cry…thanks, mare. You’re really not my bestfriend for nothing…
nakaka sad momi kaye. nakwento mo na to saken before pero nakaka sad pa rin marinig ang kwento. mas matanda lang pala cia saken ng ilang taon.
ayan… wala akong masabi. hug na lang.
salamat, kuhrach. Tatanggapin ko yung hugs with all my heart.
mahirap pero merong mga pangyayaring mas mainam sa paraang nakakaya natin ang sakit, mahalaga ay napaglingkuran at higit sa lahat nakita natin sila sa huling sandali.
gusto ko tong sinabi mo dito ate Kaye, “Pero alam mo, kung may isang pagkakataon akong babalikan, yun ang gabi bago ka mawala. Baka sakali kung nayakap kita o nakakwentuhan nung gabing yun,”
sana maging paalala sa ating lahat yan!
salamat, ading. yun talaga ang isang bagay na gustong gusto kong maibalik… kasi what really pains me is the thought that he felt so alone…
but then, that can’t be brought back anymore…
haaaaaaaist mami kaye nalungkot ako at the same time nakarelate dito sa post mong ito.
sa sep. 4 1 year na din natulog at hindi na nagising yung younger bro ko. the sad thing hindi ako pinayagang makauwi.
the truth is, we can’t hide the loneliness even the pain kapag naalala natin sila, what we can do is hope that we’ll all meet them soon.
be blessed ate kaye ko!
awww…so sorry to hear that, Pong. sana ok na kayo…si bong din, yung twin brother niya, ganun din ang nangyari… magtutwelve years na rin on january next year. magkasunod lang sila ng brother ko eh.
hindi talaga maaalis ang lungkot kahit gaano na katagal yun lalo pag dumarating yung death anniversary. hanggang ngayon naiiyak pa rin ako pero kasabay nun ang prayers ko for him na sana he is already at peace.
i feel what you’ve gone thru Pong. gaya ng sabi ni ate Kaye mo, the same thing happened to my bro. masakit dahil apart from ako na yung nakakakita sa kanya, dun pa lang yung time na sobrang nagiging close kami. and it’s just hard to understand why it happened. but i know there’s always a reason. and at peace na rin ako with it because i know he’ll always look after me, my family, and my parents.
stay strong Pong! dahil you’ll have a more personal companion with you anytime anywhere you go.
be blessed din!!!
salamat po ate kaye and kuya bong
aminado ako sa sinabi ni ate kaye there are days talaga na maiisip na lang natin yun bigla. sometimes sa mga dreams, or childhood memories together and yung death itself.
and kagaya po ng sabi mo kuya bong na sometimes it’s really hard to understand why and many questions but at the end of it there is peace for sure because they are on the safe arms of God.
pero ang totoo talaga parang cycle lang, maaalala sila, magiging malungkot at magiging happy ulit.
be blessed!
kaka-touch naman ate kaye. ang pagkakasulat punong puno ng damdamin.
kahit gaano yta katagal hindi humihilom yong sakit na dala ng pagkawala ng isang taong napakahalaga sa atin. ako rin.matagal nang wala yong tatay ko pero kapag naaalala ko sya nalulungkot parin ako. ‘yong pagkawala madaling tanggapin lalo pa kung alam natin kung saan sya pupunta. pero ang mahirap tanggapin e yong wala na siya sa tabi natin.
thanks, Eli. totoo lahat ang sinabi mo…
Hi Kaye.
Napag-usapan na yata natin ito sa poste ni Vajee pero nalulungkot pa rin ako sa pangarap ni Lon, na disin sana’y isa na siyang bantog na alagad ng sining.
Isang mapayapang umaga sa lahat
yep, dun nga… and yes, nakakapanghinayang talaga siya kasi marami sanang pwedeng mangyari sa kanya na magagandang bagay…pero ganun talaga ang buhay…
salamat…
Lahat tayo nakaranas kung paano mawalan ng mahal sa buhay. Masakit, maraming tanong, maraming what if’s. Iba-iba man pero pare-pareho lang ang nadama “Masakit”.
Hindi applicable ang time can heal all wounds, coz it that’s true. Bakit pa tayo nasasaktan pag naaalala natin. Abutin man ng ilang dekada andun pa din ang sakit. Siguro momy ko we should be happy nalang and be thankful kasi kasama na nila si Papa Jesus no more hurt and pain or sufferings ang mararanasan nila, salamat kasi may memories silang iniwan satin. Hugssssss momy ko. (madaming-madami) abyu po!
tama lahat, lian…
thanks for the madaming madaming hug…labsyu too!
di ko alam yung story, but i feel for you momi…
naalala ko tuloy ung pamangkin kong isa… 12 years old na sana siya ngayon…
anyhow.. life must go on..
and so are we…
thank you momi kaye sa hugs…
mwah…
thanks, shea. nakakalungkot pag nawawalan ng mga mahal sa buhay but as you said, life must go on…
Awwww…. I almost cried Ms. Kaye… Naiisip ko kung ako yung nasa situation mo parang di ko kaya.. hirap non, but I’m pretty sure Lon is happy sa piling ni Lord.
Hugs Ms. Kaye!
ako, naiyak ako talaga…
yun ang prayer ko na sana happy siya with the Lord…
thanks for the hugs, ana!

ang hirap talaga kapag untimely yung kamatayan ng mga mahal natin sa buhay.sa mga relatives kasi at close family ko,mga lolo at lola na sila lahat kapag namamatay.mas madaling tanggapin ng konti kapag ganun.
ang tagal na nung 12 years but the fact na hindi mo s’ya malilimutan kahit kailan means a lot to a memory of once he was like sa masasayang ala-ala mo na lang with him,miss kaye.
at dahil like din nya ang nirvana,red hot at metallica,rock on,men!
yeah, i hope he is rocking on wherever he is. Actually, while the night before his death anniversary, talagang parang nagpaalala siya kasi puro alternative songs ang di inaasahang napakinggan ko sa service habang naghihintay magpuno pauwi, at habang pauwi na rin. di ko na maalala yung ibang kanta pero lahat ng mga yun alam ko kaya kinakanta ko rin sa isip ko…at kaya din talagang naalala ko siya. nabalikan ko din tuloy yung mga panahong kinahiligan ko ang alternative music…
thanks, duks!
12 years. Ibig sabihin, 12 years na din.. ayaw ko na ituloy. Alam mo na yung ibang binibilangan namin ng taon kasabay nito. Sad. Major major sad.

yes, 12 years na…at kung magkakaron ako ng pagkakataon na makausap ko siya, sasabihin ko sa kanya na magmove on na. sayang ang buhay at pagkakataon para maging masaya siya sa piling ng iba…
Mommy ang emosyon! Hindi ko mapigilan. Masakit siguro talaga pag hindi mo pa nakikita ang nasa kabilang side eh alam mo ng masasaktan ka sa makikita mo.

Naalala ko ang mga days na sobrang malungkot ako. Wala sa nadaanan ng isip ko ang mararanasan ng mga taong malapit saken kung sila ang paulit ulit na kakatok ng malakas sa pinto ko at wala na ako para sumagot. Pero ganon siguro talaga pag nabalot na ng hamog ng depression ang isip ng tao.
Twelve years.
yes, ganon talaga siguro…but it was also good that you knew how to handle yourself… next time, if you feel down, you have to ask for help. there will always be help, kesa yung nagsarili ka na lang tulad ni Lon…
yep, twelve years and it will go on, but every time this day comes, maalala ko pa rin siya ng sobra sobra…
I did. I actually sought help noon. Nakakatakot naren kase. Hehe.
good for you. you knew what to do. was that the reason you took up psych?
Nakakalungkot…
alam mo ate kaye, naalala ko yung isang anak ko eh, si Jepoy,limang taon na sana siya eh,kapatid ni Xander at Xapu(yung mga kasama ko sa Robinson’s )… 

Sana magkita sila ni Lon noh? 

kumakain lang ako ng hapunan,
ang susunod na balita’y di ko na alam
pagkatapos nakataggap na ng balita
mula sa umiiyak na ina
si Jepoy, siyaý wala na
Sabi ng aking ina..
kumakain lang ako ng hapunan
ang susunod na balitaý sanaý di na lang alam.
*sharing
pasensya na ate kaye,comment lang dapat ‘to pero napahaba,naalala ko rin kasing malungkot talaga mamatayan, pagkatapos dalawang taon pa lang si Jepoy, parang ang bata pa niya.
Pero naiisip kong, bibigyan naman siya ng Diyos ng pagkakataon eh. Sure akong masaya na siya kung nasaan man siya ngayon.
gandang araw ate kaye!
awww…sobrang malungkot nga yan… ayoko ng ganyan kasi may dalawa akong piglets na sobrang cute at sobra sobrang mahal ko (si ate kara kasi malaki na, pero sobra sobrang mahal ko din kaso di ko tinatawag na piglet. hehe)
pag ganyang mga stories, naiiyak ako, ang bata pa kasi nila eh…
naenjoy ko mga kwento mo…keep writing!
*cyberhug* mommy kaye…
(ang lungkot. )
salamat sa cyberhug, my dear.
Hi Kaye and Bong. Mag-update na.
hahaha naiinip na ba? di ka na bumalik sa kuta ko a.
kumusta hiatus mo?
meron sana kong isusulat pero pinagiisipan ko pa kung itutuloy ko. hehehe
oo nga, naiinip ako sa mga updates (akala mo naman kung sinong masipag mag-update ng blog, no? hahaha). post na!
uy ano yan? pede pakwento muna sa kin bago mo isulat?
di pwede. secret. gulatan na lang. nyahaha joke lang, wala akong alam
Nasa mas mabuting lugar na sya nagyon.
i am praying for that…
very intimate post…
very refreshing magbasa dito ng mga comments. para lang tayong nasa isang kubo at nag-uusap no?
group hug nga tayong lahat dito…group hug!
ay fads, namiss ko ang group hug. Group hugggg!
*hugz* nlang mami kaye..
muntik na ko maiyak ate kaye ko sa part na pilit nyong binubuksan ang kwarto, tapos, wala ng malay si lon…

ate kaye ko akapin kita mahigpit, at himas sa buhok. at tapik sa likod po.
pero ang saya saya sana kung nandyan pa sya, makaka-agapay ka pa sa mga dreams nya, at magiging proud kayo sa isat isa.
marami talagang what ifs na di na pwedeng malaman ang kasagutan. pero ganun talaga… buti na lang at may hugs galing sayo.
matagal ko na ‘tong nabasa pero di lang ako makapagcomment.
kung hindi ako nagkakamali eh utol mo si lon, tama ba mami kaye?
halika nga rito at nang mayakap kita nang mahigpit na mahigpit. sorry for your loss mami kaye but this, too, shall pass.
andito lang kaming mga ka-wavelength mo sa buladaspir handang umalalay sa’yo.
pa-kiss na nga rin. *chup* ayan, nangiti na si mami kaye. hehe.
lio! at nagparamdam ka rin…
yes, brother ko si lon kaya talagang di ko siya malilimutan. ayan na, feel ko na ang hug mo. and yes, it’s really a sorry loss, we’ve actually picked up the pieces after 12 years, but whenever this day comes, it reminds me vividly of what happened that fateful day.
onga, napangiti na rin ako. pero lalo akong mapapangiti pag nasungkit mo na ang bituing may ningning mong si Sarah G. goodluck!
aww. kuya ba to or ate? Ang galing ng pagkasulat mo, miss
Don’t worry I feel naman super happy siya ngayon. 
isa siyang kuya, Barry. Lon is my younger brother who would have been 29 years old already and most probably married with kids if he were still alive.
and would you believe it, yan yung tatlong sunod sunod na kantang pinatugtog nung gabing yun, kaya nga feeling ko, nagpapaalala siya talaga saken that night… sinabi ko naman in my prayers that i’ve never forgotten him… and won’t ever… yan ang prayer ko na super happy na siya ngayon…
salamat sa pagdalaw at komento.
bka nagpapaalala lang siya sau ate.
wag mo siyang kalimutan ate kaye..mahirap maiwan ng nag-iisa, walang makausap at may bagabag..
usap tau..
pa hug..
nagpapaalala siguro talaga, sows. and don’t worry, hinding hindi ko talaga makakalimutan ang kapatid kong yun. nagiisa lang siya sa mundo
hug din kita…
nakita niyo po ba si mam kuhrach?
kung nakita niyo po siya
pwede niyo pong itext sa
KUHRACH MO, i-PATROL MO
1-800-KUH-2010
Salamat po!
haha! Pong! wala ka talagang kakupas-kupas. nasa plurk si Kuhrach. busy siya dahil field work ang lola. hehehe
I used to joke about sensitive stuff. Rape, violence, poverty. Death. Suicide. I know I should not wait until death has touched me and my family before I take it seriously. So thank you for showing me this post… And to Lon, I hope he has found the peace he never thought he would find in this life.
After experiencing this kind of tragedy, for a while, I was very sensitive about jokes on this issue. I thought it a very sensitive topic, but I have also gotten used to them. I realized joking about these things, no matter how real they are for some people, doesn’t mean that other people are heartless, nor insensitive. We just want to make things lighter and sometimes, for lack of a way to do that, we just joke about them.
thanks, I truly wish peace for my little brother. I truly hope, too, he is happy wherever he may be.