Hindi ko palaging naitatanong sayo kung anong nararamdaman mo lalo’t alam kong may mga problema sa trabaho.
Hindi kita palaging nayayakap kapag nagsabi ka sa akin na may masakit sa katawan mo at alam ko namang kelangan mo lang ng yayakap sayo para madama mo namang beybi pa rin kita kahit papano…
Hindi rin kita palaging nahahalikan kapag dumarating ka sa lugar na ating pagtatagpuan upang sabay na umuwi matapos ang isang maghapong pagtatrabaho…
Hindi kita palaging napasasalamatan, kahit na araw araw sa pagpasok natin sa trabaho, natutulog ako sa balikat mo habang humahalik ka sa noo ko at magkahawak kamay tayo.
Hndi rin kita napasasalamatan kapag gumigising tayo sa umaga matapos mag-alarma ang telepono ko at nakikiusap akong mauna ka nang bumangon dahil gusto ko pang matulog, kahit alam kong may mga panahong talagang pagod ka at kulang sa tulog dahil may nilamay kang trabaho nung nakaraang gabi.
Hindi ko rin palaging nasasabi sayo ang salamat sa tuwing babangon ka sa gabi para magtimpla ng gatas o magpalit ng lampin, o di kaya maglinis ng ating mga anak bago sila matulog.
Hindi ko nasasabi sayo kung gaano ko nararamdaman na maswerte ako dahil kasakasama kitang magdasal sa umaga at sumimba linggo linggo.
Hindi ko palaging nasasabi sayo ng harapan ang mga salitang Mahal Kita, kahit pa nga sa ‘text’ lang. At kung minsan, nakakakunsensiya kapag nagpapadala ka ng mga ganitong matatamis na salita, at sobrang abala naman ako sa trabaho. Pagkabasa, babalik na ang atensyon ko sa kung anumang pinagkakaabalahan kong gawin.
Marami pa akong di palaging naipadarama o nasasabi sayo…pero ang hindi mo alam… ay lagi akong nagpapasalamat sa Diyos dahil kahit ang tigas ng ulo ko noong mga panahong tinatanggihan kita (tatlong beses yun, di ba?) di ka pa rin sumuko. Pero ngayon, simple lang naman ang gusto kong sabihin sayo…Hindi ka sana magsawa dahil mahal na mahal kita.
——————————————————————————————————–
Ito ay isinulat ko noong huling kaarawan ng aking asawa, si Daddy Bong. Ito rin ay bilang suporta sa patimpalak ni G. Kulisap at ng Diwatang Gala.



Like
waaaaaaaaaaaaahhh??? ate kaye ang sweet sweet…like like . ^_^
hala. ang bilis naman sumagot. hehehe
salamat, marvs!
haaays! swerte ni sir bong..
ang bilis ni ani! babasahin ko rin ang pumapagibig na post mo. hehehe
naku! wala kang makukuha ddun…kelangan ko lang magpasa ng entry dahil itatakwil ako ni kulisapa pag wala akong nagawa…hahahaha
ako din eh. baka makantyawan na naman ako ng mortal kong kaaway na yun. hmp. hahahahaha!
Minsan nabubulag ang mga mata pero kailanman ang puso ay hindi naging manhid. Tumatanggi pero ang tunay na adhikain pa rin ang nagaganap.
Ginang Kaye, maraming salamat sa iyong lahok.
Magandang umaga
maraming salamat din sa iyo, G. Kulisap.
Wow…ang lambing naman ng entry mo na ito Kaye. Isang kuwento ng tunay na pagmamahal para isang dakilang ama ng tahanan. Musta rin kay Bong. God Bless!
salamat sa pagdalaw, tay!
ayeeeeeeeeeeeeeh…umooder sa pagkacheesy si ate kaye…kinikilig panigurado si kuya bong habang nababasa nya to..wehehehehe
galing galing ganda ganda
umoober pala…
hahaha! pagibig ang tema e…
at sana talaga e may kapuntahan ang iyong pagiging shoulder to cry on… pero kung mainip ka na, e di humanap na lang ng iba…
salamat ate kaye…hindi pa nman ako naiinip sa ngayon..susundin ko yang payo mo if sakali man humantong sa ganon…
abay ka tamis naman nga yan eh noh ah. ganyan nga ba talaga ang pagibig ga?
gay-an talaga ang pagibig, tim!
basa mode muna. padaan po ha..
wow. ang babaw ng mga salita pero tagos sa puso lahat ng binatong salita. great job ate kaye….
salamat sa pagdaan. dumaan na rin ako sa bahay mo kanina di lang ako nagiwan ng bakas kasi tumakas lang ako. hahahah!
naniniwala akong di kailangang tagos sa kalamnan ang lalim ng mga salitang gagamitin natin upang maipahatid sa ating mambabasa ang ating saloobin. tulad nitong pinagsasasabi ko. hehehe.
ang sabi naman kasi ng aking bespren (sa bangungot) na si Kulisap, e kailangan wikang Filipino…di kailangang malalim o mahirap maintindihan basta sa wikang katutubo ang pagkakasulat ay ok na.
Haist. Ano pa bang sasabihin ko kundi inggit me much.
wag ganon, salbe. nasan na ang ating fighting spirit? hahahaha!
oist! hindi ka pa sumasagot sa email ko noh.
Ano pa bang masasabi ko kundi BWAHAHAHAHAHAHA!
tingin ko te Kaye kahit di mo sabihin yan ke kuya Bong naiintindihan ka nya ng labis.
sana lahat ng tatay katulad nyang bumabahagi sa mga gawaing bahay.
bait naman ni kuya Bong.
tsaka pede ba pakisagot mga teks nya seu?
bait yan talaga kasi matyaga sa gawaing bahay…
sorry naman, ading. sinasagot ko na po… minsan delayed lang pag late ko na nakita ang message.
ang galing nman..parang mga salitang gusto mong sabihin sa mister mo na minsan ay di ka maintindhan..sweetness
salamat, yakee. ikumusta mo ko ke magdalena. hehehe.
nice post, btw.
ayieeeee. kakileg. kainggit.
magreply ka kasi momi kaye sa mga text ni dadi bong! walang load? hahaha.
sorry naman, Kuhrach. di naman sa walang load. nagpapakipot lang. bwahahahah! hindi bagay ano?
ahahhaha. pakipot? ikaw? di bagay momi kaye!
hindi nga. sabi ko nga.
Aaaaawwwwww……ang sweeet…..
wow! napadalaw ka, Ms. N.
Ate Kaye!!! Gusto ko ganyan din susunod na girlfriend ko. Dapat mabasa niya to para pumasa siya na maging asawa ko. :]

Seryoso, pinapangarap ko yung ganyang sweetness sa akin. Blesssing po talaga kayo sa isa’t isa ni Kuya Bong.
hala, hanap na ng sweet na gelpren!
anjong! di ko pa rin mabasa ang mga sinulat mo sa site mo…di siya nagdidisplay ng maayos eh…
ate kaye… try mo ‘to: http://dahnjacob.com/?wpmp_switcher=mobile
hindi ko alam ano problem sa site… baka over-loaded ng plug-in… lol. yay, sana mag-wok yan. :]
ate kaye… try mo ‘to: http://dahnjacob.com/?wpmp_switcher=mobile
hindi ko alam ano problem sa site… baka over-loaded ng plug-in… lol. yay, sana mag-wok yan. :]
ate kaye, kapag di ba nagdidispaly ng maayos yung site… meron pa rin bang nakalagay na “switch to mobile site” sa upper right corner? try nyo din po click yun kapag di gumana yung link sa taas. :]
ayun nakita ko na ang sinulat mo pero di na yung kabuuan ng site kasi mobile site na ito di ba?
di ko masagot yung tanong mo kasi never nagdisplay ng maayos yung site mo… taka ako kasi nung huling punta ko dun nakapagcomment pa ako tas recently, ayaw na niya magdisplay.
shaks! galing tlga sa puso =) mganda tlga ang kalalabasan ng sinusulat kung my pinaghuhugutan

nice one mami
asan na ang uber cheesy post mo?
nakakhiya yun mami eh kaya pinalitan ko
ayun, kaya pala nagtatanong ka kung anong tagalog ng virtual world. hahahha!
katuwa naman kasama pala ako sa RSS mo lol
wala lang
later na ako magbabasa ng entries kapag mag jujudge na ako hehe. ang daming contestants e.
sige lang. balik ka…
Mommy, parang napa flashback ako dun sa isa mong post para kay Daddy Bong. Yung dati pa. Nalimutan ko na taytol.

Tapos pagdating ko sa huli, anak ng shemaynes! Eto nga ata yon!
Gusto ko yung nakasandal sa habang natutulog sa byahe. Naiimagine ko kase may tulo laway pa. Haha. Joklang Mommy! halabyubot.
hahaha! yep, this is it, pero i just shortened this to fit the required words… tinanong ko kasi kay kulisap kung ok lang ang dating nasulat na pero medyo edited lang. sabi niya wala naman daw problema. tiningnan ko rin ang kanyang mekaniks at wala naman nagsasabing dapat bagong sulat para sa patimpalak.
anyway, it doesn’t matter if i don’t win. gusto ko lang masabi na hindi ko inisnab ang pakontes niya. di ako titigilan niyan pag di ako naglagay ng lahok eh…
kaya nga ganyang ang title sa taas, sa ikalawang pagkakataon. hihihi
Paktay sesrmonan ako nyan. Hahaha. Inisnab ko ang pakontes nya. Hanapan nyo ko ng excuse!
sabihin mo nagpunta ka sa timbuktu at walang internet access dun.
[...] 9. Kaye Liangco, Laguna 10.Lambing, Isabela [...]
wow momy kaye ang sweet, sana sa aking paglalakbay dito sa mundong ibabaw ay makatagpo din ako ng katulad ni dady bong na hindi magsasawa sa katigasan ng ulo.
Love you both…
sana nga matagpuan mo siya…lalo’t alam kong may taglay kang katigasan ng ulo. hahaah! joke lang, ella.
we love you too!
whahahhaa… mukhang halata na matigas ang ulo ko… ehehe,
baka momy natraffic, naipit, nasubsob lang sya sa mrt kaya medyo matagal… gusto ko katulad ni dady bong mabait. ehehe, momy salamat! sana kahit di ako manalo maipadeliver ni kuya j.kul ung apple mc float ko… un lang super hapiness ko na… hugsssssssss marami!!!!!!!
hahaha! matigas ang ulo? hinde. palaban lang!
sana nga e nasubsob lang siya o di kaya e nadapa lang at kapagdaka’y tatayo muli upang hanapin ka. hahaha! naks naman.
yamo, mababasa naman ng haliparot na kulisap ang sinabi mong request mo na apple mcfloat… masarap ba yun? ang gusto ko kasi e berry mcflurry. yum!
whoah! may asawa na po pala kayo???? akala ko dalaga pa . an sweeeet . may lalaki pa pong ganyan ? pa photocopy naman po kahit isang kopya lang . hehe! mabuhay ang mga matatatag sa samahan
hello po mam kaye^^
ha? ay oo. matagal na po akong may asawa. hehehe.
ang totoo nyan, may kakambal si daddy bong kaya lang, nasa heaven na siya…
yamo, pag pede siya ipaphotocopy, magpapakopya ako. hehehe
hello Geylii!
Gusto ko sanang mang-away, kaya lang di pa tapos ang contest.
Hi Kaye.
hmp! tandaan mo, may utang na loob ka saken kasi pinatulan ko ang patimpalak mo. hmp!
aw miss kaye alabet!!! so tamis!!! ako din ganyan sa totoo lng nahihirapan ako ipakita kung gaano ko kamahal yung mga taong nagpapasaya sa akin… minsan namimisinterpret nila akala nila “i dont’ care” kung alam lang nila kung gaano sila kahalaga sa akin…
haha! salamat jowyow.
nakakatuwa nga kasi kanina tinawagan ako ni daddy bong para lang magthank you at magsabi ng i love you. ahihihih! kilig mode.

ate kaye
ang musika ng pag-ibig niyo ni kuya bong ay kaysarap basahin at damhin sa taenga. sapat na ang komento kong ito kahit hindi ako beys!
be blessed po!
salamat, Pong! musical talaga ang aming love story. hehehe
ayyyy…
ang sweet. 

sabi nga dun sa nadaanan kong tumblr blog…
“…The world’s happiest couple never have the same character. They just have the best understanding of their differences…”
nakakahanga ang pag-ibig nyo para sa isa’t isa.
salamat, ms. tutubi.
nawa’y masumpungan mo rin ang tunay na pagibig.
shet! nilalanggam na ko rito mami kaye. hang sweeeeet!
sobrang nakakakilig pala ang kwento ng pag-ibig niyo ni dadi bong. panatag akong tuluy-tuloy na yan hanggang sa pagputi ng mga buhok nio. sana mabasa ‘to ng dadi bong niyo.
yihee! isang lips to lips naman diyan, mami kaye and dadi bong! hehe.
Lio! kumusta ang pumapagibig? ano na nangyari?
ayun o, nalips to lips na. hahahaha! ikaw talagang bata ka, mapipingot kita eh. hehehe
ang sweet naman… sana ako din ganito pag nagka asawa na ehehehe
salamat, jong. ayun o, ikaw din in love na in love e
Marami pong ganyang klaseng pagmamahal… words were not enough to describe them. just continue loving your husband.
Dumaan po at nagbigay ng puntos.
salamat.
un oh tatlong beses na pero di sumuko go go go dadi bong.
sana sa lahat ng mga pasgsubok na darating pa sa buhay nio ay malampasan nio ito na magkahawak kamay at di nawawalan ng pananampalataya sa KANYA.
hahaha! oo, liz, tatlong beses yun.
sana nga malampasan namin ang lahat nang magkahawak kamay pa rin, with the Lord in our midst. 
wow, kinilig ako bigla, at nagfastforward yung isip ko, nakaka-inspire po kayong dalawa. kahit first time ko nagkoment dito.

ang tibay ni Sir Bong, 3beses..
hello, leemi.
matibay talaga…tatlong beses, nakatayo pa rin. (ay. wholesome ang ibig sabihin niyan ha. hehehe)
pero seryoso, yan ang pinakamatyaga…ayun, sabi nga, kung may tiyaga, may nilaga. nailaga tuloy ako. hahahha!
salamat sa pagdaan.
mukhang magkaka LBM ako sa kakesohan nito, malambing.
galin galing mo kaye.
sorry nameyn. at salamat sa pagdalaw. ako, napabalentong sa mga sinulat mong ke kukulit.
Super lucky ka natagpuan mo ang lalaking para sayo tlga super kilig tlga nagvivibrate ang ano ko sa kilig ahahahaha
nahihilo na ako kakabasa ng post tungkol sa PAGIBIG hang dami pa may 7 poste pakong di pa napupuntahan
hahaha! anong nagvavibrate, anne?
nabasa ko nang lahat last week pa. buti na lang kasi di ko akalain na lampas 40 ang entries. ang dami dami! good luck.
Wah, OP ako sa mga love posts hahaha sorry
sorry naman, barry. bakit kasi di ka nakigulo sa kaguluhang ito? hahahha! parang valentine’s lang ang dating ng blogosphere
hangswit ate kaye!! inggit akoooo!!!

bata ka pa, sows. mamaya mo, mas sweet pa maging love story mo. wak ka na iyak
ang cheesy naman
ate kaye.
ang gaganda ng mga entry sa patimpalak ni jkul.
di ka kasi sumali, eli. dapat ikaw din sinali mo si busyok…may kalove team… ano kaya magiging pangalan? hehe
huwaw naman ate kaye ko! this is the best example ng ano.. lablab ng wife sa husband. grabe. baka maiyak si kuya bong dito!
kapatid ko! namiss kita.
hindi naman siya naiyak.
NADAAN SI YIN. NAGBASA. NAGHANAP NG KAPE. KULISAP MAGBABAYAD KA NG MAHAL. DALHIN MO KO SA TUKTOK NG SUSONG DALAGA.
NA-RATE KO NA. DI NA KO KOKOMENTO.
(GANITO LAHAT NG KOMENTO KO SA ENTRIES. ANG IMPORTANTE MABASA AT MAINTINDIHAN KO YUNG KUWENTO AT MA-RATE NG MAAYOS AT MATAPOS BAGO AKO HIMATAYIN SA GUTOM, HAHAHA)
mommy kaye, tagal ko na di nadalaw dito. thanks sa mga words mo dun sa ingglis post ko. revised ba itong edition na ‘to mommy kaye o talagang di lumampas ng 350 words yung original? hehehe.
ang kape? ayun kauubos ko lang sa meeting. sorry naman. at oo, gusto ko rin pagbayarin ang haliparot at talipandas na kulisap na yan na nagbigay sa atin ng di matatawarang sakit ng ulo.
ayoko sa tuktok ng susong dalaga, pero gusto ko ang relo. hahahaha!
Yin! alam mo bang aliw na aliw ako sa entry mo. kaso pagdaan ko ulit sa bahay mo kanina, nalaman kong di pa pala ako nakakomento dun. akalain mo yun. hehehe. ayun nagiwan na ako ng bakas.
revised edition ito at ang original ay more than 350 words kaya kelangang ishorten. sorry nameyn.
habang nagsusulat ako ng malulungkot na kwento,nagsusulat ka naman ng masaya bersiyon ng pag-ibig. anu pa bang masasabi ko.ng minsang nagpaunlak kayo ni sir bong sa tahanan nyo,naisip ko lang na someday,yun din ang gusto ko. you’ve found a good partner sa sayaw ng buhay at pag-ibig. sabi nga ni salbe,inggit me much!
yun din ang napuna ko sa entry natin, duks. poles apart, ‘ika nga.

alam kong matatagpuan mo rin ang permanenteng partner mo sa sayaw ng buhay at pagibig…malay mo, nandiyan lang siya sa tabi pero di mo pinapansin
at malay mo, di na magiging inggit me much ang sasabihin mo sa susunod.
sana nga po am a good partner sa aking maybahay at katuwang sa buhay. minsan lang baka kulang pa ang naibibigay ko, pero pakiramdam ko lang yun. pero ang talagang sigurado ako, di lang good partner ang nakita ko kay Kaye, the best fit s’ya among the rest para sa isang buhay na masaya at puno ng pagmamahal!
tenks Duks ha! o kelan ulit kayo dadalaw?
gusto ko ito.

kakaiba ang estilo, at buo ang nilalaman.
nice one.
salamat, Karla. ang kulit ng blog name mo… masarap talaga mainlove!
talagang masarap kasi kaw ang dahilan e! salamat lagi Be ha!
Love you, dad.
Mommy Kaye! Mommy Kaye!

Gusto ko lang magsabe ng Mommy Kaye.
o sha, sige sabihin mo ng sabihin
ang sweet talaga! =) cheesy! haha
haha! sorry naman, bons.
hey there, napadaan lang po. nice site, you’ve got so many readers. nakakainngit. hehe!
God bless!
regards,
The Daily Blah
Thanks for dropping by, TDB.
they’re all my friends
ako friend din n’ya and hubby! hehehe umeekstra lang po!
salamat for dropping by, Arny! plok plok tayo!!!