Sa araw-araw na pagsakay sa jeepney papuntang trabaho, maraming mga bagay akong nakikita at naoobserbahan, ang iba’y nakaaaaliw, ang iba nama’y nakaiinis. At kung meron akong joy list, itong aking isusulat ay patungkol sa mga bagay na hindi ko ikinatutuwa. Mga pet peeves, ‘ika nga. So without further ado, eto na sila…
Ayoko ng…
1. mga maiingay kung magusap, tipong akala mo, isang milya ang layo nila. Ok lang naman kasi magusap, walang kaso yun, pero kung yung buong buhay ng pinsan ng tiyuhin ng bilas ng kapatid ng kapitbahay nila ang kahit di mo gusto, e maikukuwento mo na rin sa mga kaopisina mo, aba, hindi na nga yan katuwa-tuwa.
2. parang yung number one, pero this time, nakikipag usap naman sa telepono. Again, ok lang naman makipagusap sa telepono, walang problema. Pwede rin yung medyo malakas lakas ang boses, lalo at kung minsan talagang napakahirap ng signal. Pero meron lang talagang mga tao na kapag nakipag usap sa telepono, lalo’t nakikipagchikahan lang naman, e again, buong buhay na ng taong pinaguusapan nila ang malalaman mo. At mas nakakainis yung obviously e sinasagad ang unlimited call ng mobile phone provider nila sa tagal ng pakikipagchikahan.
3. mga nakikinig sa music, gamit ang earphones, pero alam na alam at dinig na dinig mo ang pinatutugtog nilang heavy metal music gamit ang kanilang media player o cellphones. Di ko alam kung bakit rinig na rinig pa rin ang pinatutugtog nila kahit na nakaearphones na sila. Ang siste, kaya ka nga nage-earphones para sayo lang ang music mo, di ba? Pero hindi. Kahit di mo type ang music nila, wala kang choice kundi marinig yun.
Pansin nyo, mula 1 to 3, tungkol sa maiingay ang sinabi ko? kasi sa umaga papunta sa trabaho, gusto kong matulog sa byahe. Baket kanyo? Kasi kulang ako sa tulog palagi… pag umuuwi galing sa trabaho at gising pa ang mga piglets, naglalaro at nagkukulitan muna kami, at bago matulog, kumakanta muna kami ng mga nursery rhymes. Kaya sa umaga, sakay ng jeep, gusto ko sanang makatulog kahit ilang minuto lang. power nap, ‘ika nga…na di ko magawa dahil sa maraming istorbo.
4. mga driver na walang pakundangan kung magsakay ng pasahero. Ang espasyo para sa 8 tao, nagiging sampu pag sila ang tinanong mo. Pero malamang pag sila ang pinaupo mo sa sarili nilang jeepney, magrereklamo rin sila kasi masahol pa sa sardinas na nagsiksikan sa napakaliit na lata ang itsura ng mga pasahero nila kapag punuan na.
5. mga driver na mala 2km/hr kung magpatakbo ng jeep nila. Tipong mas mabilis pa siguro kung tumakbo na lang ako, except that hindi yun pwede kasi malamang gulagulanit na hitsura ko pagdating ng opisina. Pero naman, ito yung mga driver na literal, namumulot ng pasahero. Oo, alam kong gusto nilang kumita, pero paano naman ang mga pasahero nilang gusto rin sanang kumita, na bago pa makarating ng opisina, e bawas na ang sweldo, hindi lang sa lintak na buwis na kung saang saang bulsa naman napupunta, kundi dahil sa ilang minutong pagkaka-late sa pagpasok? Double whammy eh.
6. mga driver at pasaherong naninigarilyo at nagbubuga ng usok sayo. Ok lang manigarilyo, kasi dito sa Pinas, di tulad sa lah lah land, e hindi bawal ang manigarilyo or at least, regulated ang mga lugar kung saan pwede lang manigarilyo. Pero kung magyoyosi, sana ilagay sa tamang lugar. Kasi kung hindi maiaayos, tipong pati ikaw na bagong ligo, e parang manok na pauusukan nila. Kung ganun, sana lunukin na lang nila ang usok nila. Hindi pa ba sapat ang usok mula sa tambutso ng mga sasakyan na nalalanghap namin?
7. mga balahurang (excuse my French) pasaherong akala mo may malaking basurahan kung magtapon ng kalat nila hindi lang sa loob ng jeepney mismo, kungdi sa labas, sa kalsada. Oo, sa panahon ngayon, di pa rin ako makapaniwala na ang dami pa ring mga pinoy ang kung saan saan na lang nagkakalat. Case in point: Itong umaga, may nakasakay ako sa jeepney. Magandang babae, nakauniporme, mestisa, makinis. Kinuha niya ang isang wet tissue sa bag niya, ito yung individually-wrapped na wet tissue, ang tatak Pigeon. Hmmm…may kamahalan, kaya naisip ko, wow, sosyal. Next thing I knew, tinatapon na niya sa labas ng jeepney ang nagamit na nyang wet tissue. Naman. Bakit di na lang inilagay sa loob ng bag at itinapon sa basurahan pagbaba ng jeep? The answer eludes me.
8. mga pasaherong walang pakundangan kung magabot ng pamasahe nila sayo. Ang masama niyan, kala mo, may utang na loob ka sa kanila pag inabot mo ang pamasahe nila at ipinasa papunta sa driver. Eto lang ha, hindi tungkulin ng mga kapwa pasahero natin na iabot ang pamasahe natin sa driver, kaya ituring natin itong isang pabor…at dahil ginawan nila tayo ng pabor, matuto naman tayong magpasalamat pag inabot nila ang pamasahe natin, gayundin kapag inabot nila ang sukli natin at nakarating ito ng maayos sa atin. Sa Tagalog, isang salita lang: Salamat. Sa English, two words: Thank you. Hindi yun nabibili, at lalong hindi ginto ang mga salitang ito kaya wag tayong kuripot sa pagpapasalamat.
9. mga lalaking pasahero na kung makaupo, akala mo ga-higante ang itinatago kung makabukaka (again, excuse my French). Tinanong ko minsan kay daddy Bong kung talaga bang mahirap para sa mga lalaki ang itikom ang mga hita pag nakaupo kasi maraming lalaki ang hirap gumawa nito. Sabi naman niya, hindi daw. Siguro lang, talagang swapang sila sa space. Gayundin, ang mga babaeng kung makaupo, akala mo pang tatlong pasahero ang binayaran nila. Pwede namang umupo ng tuwid, pero sila, kelangan umupo ng nakatagilid. Yung ibang pasahero tuloy, isang pisngi na lang ng pwet ang nakakaupo.
10.
Talagang hindi ko nilagyan ng kahit ano yung number 10 para kayo na ang magdagdag ng mga eksena sa jeepney nyo. Go!






base kami ni mam kuhrach
ate kaye tama lahat obserbasyon mo
lalo na yung mga jeep na nangingitlog sa daan
hindi ako maingay sa jeep kaya pwede kitang makssabay sa jeep
kapag nagpapatugtog ng mp3 sinasabayan ko ng pag awit kaya guilty ako dun ahahah
ate kaye namimiss ko tuloy pagsakay ng jeep
yahey beys kami!
hmmm…hindi ka nagdagdag ng sarili mong eksena sa jeepney… pero kung sinasabayan mo ng pagkanta ang pakikinig mo, malamang ma-aliw ako sayo. hahaha!
hanep ah. matapos ang ilang araw na hiatus, eto at nagbabalik ka sa pagbebase. hahaha! congrats
kasi naman kailangan kong bumawi dun kay Bo, Cito at Gawad Kalinga dapat kami beys dun eheheeheh
hahaha! di makaget over. di ka naman bitter nyan. hahaha! di bale, panalo pa rin kayo sa mga base ng lahat ng blogs.
pano ako? 2nd base din ako after nila pong and kuh kuh!
yep second base
kuya bong pwede ka naman sumabit sa beys tutal po pwede naman ang pagsabit sa Jeep ahaha nirelate lang\
be blessed po!
base ako Be!
wait! ano nakabother s’yo kanina at finally naisulat mo na ‘to! well, whatever it is, that makes two of us, same sentiments actually put! especially yung mga nagaabot ng bayad at mga lalaking feeling kalalaki ng kargada. hay naku! let’s hope the government can implement something pertaining to this, in addition to the no smoking in PUVs.
basta, kung makakairita lang sa ‘tin, hope you won’t mind me telling them off about it. because frankly, it’s more than annoying.
teka alis na ko. sundo kita e!!! k lang?
yung isang girlaloo na bumaba sa asian hospital, siya yung babaitang akala mo ang laki ng basurahan. hmp.
anyway, i can do it myself, dad. but most of the time, i try to be more tolerant. i don’t want to start a fight. pero pag di ko na kaya, alam mo naman ang katarayan ko, di sila uubra saken. hahahaha
waah! yong driver na kung magpatakbo para kaming may hinahabol na giyera o kaya may sunog kaming hinahabol.. yon bang halos lahat ng pasahero din humihinga..yon! madalas akong makasakay nun, ang problema minsan tatlo o apat lang ang sakay o ha!.. minsan natatawa nalang ako a reaction na ibang pasahero, lahat kapit.. at lahat yata tinatawag ang kakilala nilang santo.
haha! oo nga, ayoko din nyan. exact opposite ng driver na kala mo pagong kung magpatakbo ng sasakyan…
katakot nga yan…hay…bakit kasi di yung maayos na pagpapatakbo, within the speed limit dapat.
ako, yung ayaw ko yung ayaw mag-abot ng bayad/sukli! isama na rin diyan yung nakikiabot na nga ng bayad, ni hindi man lang lumapit ng kaunti para ipaabot sa akin. isa ring ayaw ko yung mga babaeng nililipad yung buhok na sa mukha ko, hindi man lang ayusing o kaya naman mag-ipit ng buhok! ayokong almusalin ang buhok niyo!hehe
haha! ayoko din yung mga babaeng ang hahaba ng buhok pero di man lang lagyan ng tali…at lalong ayoko pag basa ang mga buhok nila. maraming beses na rin akong nanita ng mga ganyang babae. kainis eh. ayoko din almusalin ang buhok nila. hehe
naishare ko na sayo momi kaye ang kwentong jipni ko. un may exhibitionist. remembah? susme. sana next time, si prince charming naman makasakay ko.
oo nga. at naishare ko naman sayo ang aking eksena sa lovebus. hay. ang dami talagang mga manyakis sa mundo.
ung pag-upo tas katabi mo ang sama makatingin, kung kaedaran mauunawaan pa pero ung sintanda ng tatay mo eh gusto mo tusukin mata. malas pa kung madalas mong nakakasabay mga taong un.
ung iba naman uubo lang haharap pa seu eh minsan malalanghap mo ung di kanais nais na amoy.
haha! pag umaga, ang kasama ko magcommute ay si daddy bong at shempre bago ko pa makitang may nakatingin saken e binibigyan na nya ng dirry look. malalaman ko na lang na ganun, kapag inadjust nya ang pagkakaupo niya in such a way na tinatakpan niya ko. nge. e lagi ko sinasabi na wala lang yun kasi im sure wala naman pakay saken kung sinuman yun.
Kusto ta kunam.. agsarot pay kunam ah.
@ alkapon nagiwan po ako ng bakas sa bloghay mo pero nahihiya pa.
pakitsek na lang po.
1. Ang nakakairita sa mga maiingay na yan eh pag minsan ang kwentuhan nila ay nagiging pyesta ng mga mura. Nakakarindi. Ang sarap lagyan ng papel sa bibig.

2. Two days ago may nakatabi ako sa jeep na ganyan. At dahil katabi ko sya, alam na alam ko na ang pinagusapan nilang magkatabi sa phone. Sa loob ng 15 minutes, ang usapan nila ay umikot lang sa “Ambaho mo” at “Papunta na ko”. Sulit na sulit ang unlimited.
3. Eh pano naman ang mga kumakanta sa jeep? Hahahaha. Aminado ako, pag ako lang magisa ang pasahero, kumakanta ako. Pero may nakasakay ako, puno ang jeep, ANLAKAS NG BOSES NYA KUMAKANTA. DIVA SI KUYA! Hahaha.
4. Nakakairita yung mga drivers na namimilit pa ng pasahero na sumakay sa kanila. Yung hihintuan lahat ng taong nakatayo at nagaabang ng jeep, tas sasabihin “SM SM SM MALUWAG PA!” Eh ano ngayon kung maluwag eh hindi ako papuntang SM? Abnoymats.
5. Mabilis na jeep = Hataw!
Mabagal na jeep = Bataw!
6. May etry ako tungkol dyan, sapat na siguro ang pagrereklamo ko don. Hahaha.
7. Gusto ata nyang gawing katotohanan ang jingle ni Villar na dagat ng basura. Kung ang mga kagaya nyang mukhang sushalen pa ang patapon ang ugali, eh.. hindi ko alam. Mabaho sya. Haha.
8. Nakakairita yung tipong nakaupo ka sa may bandang likod ng jeep pero may konting space pa sa likod pa, tapos may sasakay at don uupo. Malayo ka sa driver, tapos sabay magpapaabot ng bayad. EH LECHEKAPALA EH BAT DI KA DUN UMUPO SA MALAPIT SA DRIVER ANLAYO LAYO NYAN UTANGNALOOB! Nakakatakot kaya mag move ng mag move sa umaandar na jeep para magabot ng bayad ng iba. Kazur.
9. at 10, isa nalang dahil may malaki akong rant sa nakasabay ko sa FX last week.
Babaeng may kalakihan, sa gitna ng FX. Pag sakay ko, nasa pinaka gilid sya. Ako pangatlong sumakay sa gitna so may isa pang kulang. Nung may dumating na isa, ABA AYAW UMUSOG NI ATE! Hindi nagalaw! So malamang di nagkasya yung ateng sasakay sana. So sumakay sya sa likod. Tas narealize ko na baka maldita tong babaeng may kalakihan kaya kahit ako lumipat na sa likod.
Paglipat ko sa likod, ang inet. Dalawa sa tatlong erkon nakatapat sa kanya. Tinapat ko yung isa para saken at sa isa pang katabi ko sa likod. ABA SI ATE AGAD AGARAN TINAPAT ULI SA KANYA! AS IN GUSTO NYA DALAWA SA KANYA! Putek ang inet sa likod pero pinabayaan ko nalang. Inisip ko nalang, siguro iniwan sya ng boypren nya o kung ano man. Ayokong sirain nya buong araw ko. Pero manlamig sana likod nya sa kadamutan sa erkon.
OT: NAKABILI NAKO NG ARGENTINA GOLD LABEL! YEEEEY!
HAMISHU MOMMY!
mas gusto ko original argentina kesa gold label. haha
cornedbeef yan no?
mas masarap yung argentina gold label, try mo! hihihi
Mas masarap ang gold label! Ipagtatanggol ko furever! Gahahaha!
ay winner yan sa ‘min anak! lalo na sa mga piglets mong kapatid! heheheh
Winner den saken! Nag hoard na ko sa secret stash ko! Hahaha.
haha! lagot. talagang naghoard ano?
o patlak!!! tapos sa place ulit namen! hahaha! argentina night!!!
vaj.. sana gumawa ka ng sarili mong post. icopy paste mo na lang un link dito. bwahahahaha!
un luto ni momi kaye na gold label argentina, shuper likey!
Haha. Actually sa papel ko nga sinulat yan muna, kase nasa opis ako. Tas naka ilang pages ako para sa comments saq lahat ng blogs na nabasa ko! Karirmats!
wow yan ang kinarir! di ko na ata magagawang magsulat ng napakarami sa papel. waaahhh! nasanay na sa pc…kaya ang kamay ko konting magsulat lang, wala, di mo na mababasa ang handwriting ko. hahahaha
haha! mala-blog post nga!
asar na asar din ako sa mga taong umuupo sa malayo from the driver tas dadalawa lang kayo sa jeep, ikaw pa paaabutin ng bayad niya komo medyo malapit lapit ka ng konti sa driver. one time may gumawa niyan saken. mas bata siya saken at dadalawa lang kami sa jeep. nagpaabot ng bayad. tiningnan ko, sabay sabing, baket, driver ba ko? ayun o, pwede mo yan iabot sa driver. hahah! ang taray ko talaga. pero naman kasi, bakit ang tamad tamad niya, e hindi naman siya differently-abled. kung siguro, matanda siya, buntis, o kaya ay mag kapansansan, i wouldn’t have second thoughts. pero kung tamad ka lang, e sorry, manigas ka sa kinauupuan mo.
at ayoko din pag sasakay sa aircon service pauwi, yung mga taong hina-hog ang aircon. ang siste, pareho lang naman lahat ng binabayad pero bakit sinosolo nila ang aircon? again, I ask politely that the aircon be shared to all. pag ganun naman, napapahiya. Naku, di kasi ako mabait pag mga ganyang sitwasyon. Nagsasalita naman ako, pero yung maayos naman para di din sila maoffend kahit na nakakaoffend ang ginagawa nila.
Hantaray mo nga Mommy. Ako tinitingnan ko lang ng masama pero iaabot ko ren. Lalo na pag medyo mukhang goons yung nagpapaabot. Mahirap na, baka magulpi ako. Pero minumura ko na kaluluwa nya sa isip ko. Hahaha.
sorry nameyn. e usually pag babae di pinapatulan ng lalaki. tsaka pag babae naman, usually, intimidated na saken. bwahahhha! itong liit kong ito, sya namang taray ko.
grabe nga ate kaye. bad trip ako sa mga nagpapaabot ng pamasahe eh pede naman silang umusog ng pagkkaupo para mag abot. tapos wala man lang kahit thank you.
tapos tapos.. meron pa nagsasakay kahit saan. pero pag bababa ka na, may lugar lang na pwede.
tapos tapos… may mga pasahero kong na encounter last time, nalaglag ang chips nila sa sahig, cracklings. diba malalaking butil yon. siguro mga 6 pieces nahulog. nagtawanan lang sila. mga babae pa naman na college. nagpapacute sila dinaman cute at nagkalat pa sila.. may basurahan naman malapit sa driver, at abot kamay lang nila.
haha. pabor kasi sa mga driver ang magsakay kahit saan pero ibababa ka lang pag gusto ka na nila ibaba kasi yung pagbababaan nila e may pasahero na pwede nilang isakay. but i don’t mind going down in designated unloading areas and boarding jeepneys in designated loading areas. dapat nga sa atin, ganun lahat para mas maayos at disiplinado.
ayun, malamang matitingnan ko rin ng masama ang mga maaarteng kolehiyala na yan na walang pakundangan kung magkalat. minsan kasi kahit gusto kong pagalitan yang mga makakalat na yan, di ko alam kung may karapatan ako to do that. kakainis kasi na wala namang masama kung pupulutin ang kalat at itatapon sa basurahan pero parang nakakababa ng pagkatao nila kung gagawin nila yun.
Two thumbs up for this piece mommy kaye!
I can totally relate to #8
yan ang piiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinaka ayoko sa lahat pag sumasakay ako sa jeep, yung mga pasaherong AYAW mag abot ng bayad at mga pasaherong barubal mag abot ng pamasahe. Parang galit pa! Natuwa tuloy ako may nasakyan akong jeep one time may parang zip line sa may hawakan, tipong ihuhulog mo na lang yung bayad mo sa basket at hihilahin na lang ung backrider. Sweet! hi tech si kuya!
ok lang magabot ng bayad kung yung nagpapaabot marunong magabot ng maayos. e ang dami ko nang naencounter na nakasimangot pa yung nagpapaabot mismo ng bayad tas paglagay sa kamay mo, padabog pa. as if me utang na loob ka pa sa kanya. hay. o kaya yung kung makasigaw ng mama, bayad! e parang ikaw ang driver, tas pagkaabot mo sa bayad, parang walang nangyari. pag minsan gusto mo sila sabihan ng thank you ha.
nakakabilib naman si manong driver. hahha! naimagine ko ang basket…pano pag may sukli?
haha super benta nito. daming angst, ate kaye!

PS May alumni night sa MCO at the end of the month!
daming angst. marami pa kaso mashado na hahaba eh… hehehe
re Alumni Night, yep, nakita ko nga sa egroups…but that’s on a friday at a place very very far…nasa bundok kasi ako eh. hahaha! But i am truly overwhelmed, and still can’t believe MCO is already 17 years! my gulay, ganun na katagal ang org na sinimulan namin nung mga nene at totoy pa lang kami sa masscomm. Thanks to you guys for keeping it alive.
walang jeep ditu ate kaye, namiss konang sumakay don..

pede ba eksena ko ditu sasabhin ko?? hehe
ang pampublikong sasakyan namin ditu at kaye ay yung pick up na nilagyan ng bubong sa likod, at upuan na gaya ng upuan ng jeep, peru mataas yung bubong para pedeng makatayu yung mga pasahero na walang upuan. Yun ang nakakainis, kasi maliit lang sya, komo nga pedeng tumayo pasahero, pasakay naman ng paskay ang mga driver, hanggang sa tagilid na at bibigay ang pick up. shaks.. parang mauubusan ng pasahero, yan ang eksena ditu. hehe
padaan ate.
haha kakainis din pala diyan. sana naman e di ka naiisahan ng mga lalaking may masamang balak. talagang only in asia ang mga ganyan ano?
hhmm, wala pa naman akong naeekspiryens na ganun ate,hahaha .. oo nga may napanood din akong ganung eksena sa Burma naman hehehe
ipadala mo to kay P.Noy baka sakaling magawan nya ng solusyon. lol
nakow. malamang ang gagawin niya, sasabihan lang niya ang lahat ng bawal ang wangwang.
naku, relate ako sa lahat ng sinabi mo. sapul.
ang #10 ko: yung mga babaeng hindi marunong magtali ng buhok, na pag umandar yung jeep eh it’s either nakakain mo yung buhok nila, o di kaya parang nilalatigo ang pisngi mo! parang ang sarap sabihan, “ate, hindi dito ang go-see para sa shampoo commercial, pwedeng hawakan mo buhok mo?!” eh kung may kuto pa sya di nakahawa pa sya, eeewwww.
ayokong ayoko din ng ganun. pag may mga babae akong nakakatabi na ganyan, hinihila ko ang buhok. hahaha! e baket ba. kung ayaw mong hilahin ko ang buhok mo, itali mo yan ng maayos. ako kasi kahit ang ikli ng hair ko para itali, ginagawan ko pa rin ng paraan para di lumipad sa ibang muka. e yun pa kayang mga babaitang ganyan? at sabi ko nga lalong ayoko yung mga basa pa man din ang buhok e pupunta na sa muka mo. eeewww.
ang gross lalo pag may kuto!!! yuckkkk!
haha! sapul mami kaye!
nakakarelate ako sa number 3 at 4 – bus version. yung number 3, naka-earphone na nga’t lahat pero dinig na dinig mo pa rin ang sigawan ng mga metal band bokalistang napopossessed. ‘yung number 4, araw-araw ko na atang nararanasan ‘yan. parang mrt lang – pero may wheels. lol!
siguro idadagdag ko na lang eh ‘yung mga pasaherong may anghit at bad breath pero parang immune na sa sariling amoy. tae lang, sobrang pet peeve ko ‘to pag sumasakay ako sa bus o jeep. katatapos mo pa man din maligo tapos mag-aamoy indian chicken curry ka na? homaygad!
waaahhh! ayoko din ng ganyan. feeling mo tuloy dumidikit sa katawan mo ang mga amoy nila.
Dito sa UAE naman ang talagang nakakainis na eksena sa bus yung mga katabi mong sobrang mababaho madalas ay ibang lahi , hindi sa nagiging racist ako pero naman sinusumpong ako ng migraine sa amoy nila. Hindi ko pa rin magets kung bakit ganun ang amoy nila nasa culture na daw nila yun… masanay na daw ako… huhuhu sana naman baguhin na nila ang kultura nilang yun.
ang dami nga nating may ganyang problem…problema talaga kasi in general, mababango talaga ang mga pinoy.
pero ayokong ayoko din yung pagnakasakay ako sa service na de aircon tas ang sasakay, amoy pawis, maasim, at kung minsan, e yung amoy yosi na dumikit sa damit ang amoy… hay.
kaya lang sa lugar kung nasan ka, mahirap talaga magwish na may mababago kasi kultura na nila talaga yun at mukang immuned na sila sa amoy nila. yay!
katugma ng mga nasabi mo ate kaye ang madalas ko din maranasan…karagdagan pa ay:
1. sa mga pasahero. bakit ba tamad silang umasog gayong malaki pa nman ang espasyo ng upuan. nakikita na nilang hirap na hirap yung kapwa pasahero at konting bahagi lang ng pwetan ang nakaupo hindi ba sila magkusang umusog at hindi na kelangan pang sabihan at makiusap ang isa na pareho nman nilang nagbayad din.
ayoko din ng mga ganyang pasahero na walang pakundangan kung umupo at di marunong umusog pag may sasakay na pasahero. as if mas malaki ang binabayad nila ano? pag ako yung mukang walang mauupuan dahil sa mga pasaherong wa paki, ay, sinasabihan ko talaga silang umusod ng konti para makaupo din ako. dami lang talagang mga taong di marunong makiramdam eh…
hehehe… pamilyar sa akin lahat ng yan kasi professional commuter ako.hehehe
meron din ung buhok ng mga babae na pumipilantik sa mukha mo habang umaarangkada ung dyip.
Ung mga pasaherong kapag naka stop ung dyip ng pagkatagal tagal, tapos kapag paalis na ung dyip ilang metor lang ung layo nalalakbay, papara.
Ung mga deadma lang pag nakikiabot ka ng bayad.
Pero masaya pa ring sumakay ng dyip at bus.
Madami ka natutunang chismax (galing sa mga maiingay)
Updated ka sa mga joke joke joke ng kung ano mang station ung pinapakinggan sa radyo ng drayber.
Madami nakakaaliw na ibat ibang personality makakaengkwentro.
haha! nung isang araw, pauwi, ganyan ang kinainis ko sa service. ang tagal tagal na nakatigil ang sasakyan dahil sa traffic. tas nung umandar, hindi pa nakakalayo biglang pumara para bumaba. kaasar talaga. ang tamad nila maglakad ano.
iniisip ko nga na ang susunod kong entry e kung anong mga nakakatawang bagay naman ang naeencounter ko pag nagcocommute. hmmm…
yung may putok. may gudniz… kakasipon,…
ate now playing na ang song mo. salamat
salamat, alvin! kita ko nga sa site mo
Ahahahha…putaness..madalas akong biktima ng siksik gang, feeling close, buti sana kung amoy cologne eh.
Tama lahat ng sinabi mo.
Baka mabasag ang itlog namin hello..kaya bukaka..pwede rin naman kayong bumakaka girls..di kami mambabasag ng trip niyo..basta maganda panty nyo.
ang tanong, amoy cologne ka ba? hahaa!
ay! anong bumukaka ang mga babae? lekat. e di nagpyesta ka. walanjo. samantalang ang mga lalaki kahit anong bukaka ang gawin nyo di namin kayo pagpepyestahan… yaiks!
Hindi rin, di ga at sa mga bukol bukol kayo nakatingin? I digress…siyetttt..may I digress na ako, susyal ako.
Kunyari di nakatingin, tumitingin pailalim..tapos napapalunok sa bukakaan. Buhahahaha
Di ako amoy cologne…amoy pawis pero ang pawis ko..inilalahok sa mga pabango, parang utot lang ng skunk.
anung you digress, e yun pa rin naman ang pinaguusapan natin… shet. susyal ka dyan.
ikaw siguro ang nakatingin sa bukol ng mga kabaro mo kaya ganun.
skunk?! yaiks!
A, eh..kuwan..sabagay matanda ka na nga kaya di mo na kayang manilip.
Oo, skunk..amuyin mo ako, bilis
hindi lang talaga ako manyakis at di ako naninilip. hmp.
ayoko amuyin ka. kaderder!
uhmm… ako pala ung una sa listahan,
nasipa puso ko dun ng bonggang-bongga. Pero ngayon, di na po kasi naiingayan din ako pag nasa ganun din akong sitwasyon. Chaka po nakakadagdag ng stress ang ingay lalo na pagpagod galing work.
pede po bang momy kaye na din tawag ko sa inyo (kung inyong mararapatin) salamat po sa pagkakadapa sa aking site. Hindi ko akalain na may mapapapad dun na iba… Nanginig po buong nervous system ko sa tuwa… Salamat po. Di na po ako nagpaalam nilink po kita sa aking kuta…
Salamat po ulit!
hahaa! sorry na. dapat pala bumusina muna ako. hehehe
but i am just particular with people who talk very very loud pag umagang papasok ako ng office kasi gusto ko nga matulog sa byahe…pero pati pala kapag pauwi kasi pagod sa trabaho and again, gusto mo matulog sa byahe. believe it or not, i really value those few minutes kasi pag nasa bahay, nakakaguilty ang magpahinga o matulog agad lalo’t gising pa ang mga piglets. kasi i also take the opportunity to play with them and bond, kasi nakakamiss kapag nasa trabaho at di ko sila kasama…
tulad ng sinabi ko sa iba, mommy naman ako ng lahat dito eh, so keri na. mommy mo na rin ako. hahahah!
linked you too…
ganun po tlaga siguro pagmomy tlga na career woman kailangan mong maging ina kahit pagod kana sa buong maghapon na pakikipagbuno sa mga mapang-aliping kumpanyang pinapasukan mo kasi ang mga bata ngayon masyado ng advance at matalino para the least you know di ka na kilala at worst wala nang epek ang presence mo pagnahuli ka. I believe na dapat anjan pa rin ung mga magulang kahit super busy sila kasi ung mere presence nagbibigay ng assurance sa mga bata na nanjan pa rin ung magulang nila.
momy kaye salamat ng marami po! mwuahhh…
10… mga manyak… mommy kaye.. nakalimutan mo ilagay.. gwabe.. hindi ko alam kung kyut lang ako nung bata ko at lagi ako namamanyak o talagang manyak talaga sila.. sinira nila puri ko.. wahaha… ayun lang dagdag ko..
hahaa! nawindang naman ako sa sinira nila ang puri mo. ikaw talagang bata ka…
yun kasing manyak, nangyari saken sa bus…may nangmamanyak man before, yung patingin tingin lang. tsaka pag mejo yung mga siko, braso o kamay e feeling ko nangangapitbahay, sinisiko ko ng bonggang bongga.
pero tama ka, ayoko din sa mga ganyang tao. tao nga ba ang mga ganun?
oo shea, cute ka nga
mam kuhrach
nasaan ka????????????????????????
online si mommy kaye at dadi bong
bantayan natin para makabeys
nasaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaan ka?
ahahaha
be blessed po!
hahaha! adik ka na, Pong!
si kuhrach ay nagpapakaalila ngayon…sa mga construction workers. hehehe
Wala si Kuhra, ibinaon ko na sa construction site.
sabihin mong hindi totoo yan kuya kulisap *hagulgol*
Cut! good take!
sabihin mong hindi totoo yan kuya kulisap *hagulgol*
saan mo siya dinala?
anong ginawa mo sa kanya?
Cut! Good take!
ahahaha.. adik kayong lahat. inaapi nyo ko pag wala ako.
sa tingin mo kulisap, kaya mo ko ibaon?
di ka kaya nyan kuhra! nakakita ka na ba ng ipis na nagbabaon ng tao? hahahah!

hi kuh!!! kanta ka ulit! dali!
di ako kaya ni kulisap. sa tingin ko lang. hehehe.

hello, hello dadi bong! tara, kantahan na ulet!!!
parang naubos na talaga lahat yung klase eh…eksaktong eksakto yung mga description kaya para akong nasa jeep habang binabasa ko ‘to.
ah,asar ako dun sa nagdadala ng kargamento na alam mo namang pang business yung purpose.ok lang sana kung tipong naglayas lang kaya minsan mo lang makaka daupang palad sa jeep.kaso,yung mga nagpapalengke?whaaaa…kulang na lang mapasampa yung paa mo sa kahon o timba ng kalakal nila.sila pa ang galit kapag nasagi mo yung dala nila.
magdahan dahan naman daw.argh!
haha duking nasapol mo. yan ang usapan namin ni bong kagabi. yung may malalaking kargamento na hindi man lang ilagay sa dulo. dun pa ipupuwesto sa kung saan papasok ang mga bagong sasakay ng jeep. kainis talaga yang mga ganyan… hindi mo naman pwedeng sitahin dahil feeling nila minamata mo sila pag ginawa mo yun kaya ayun keri na lang.
I miss you!
i already wrote my comment to your latest post…
missed you too
hahaha! nakakarelate ako. araw-araw din po ko sumasakay ng jeep…
#10. mga driver na hindi marunong magsukli ng kusa. tipong pababa ka na at kukunin na ang sukli ay parang walang naririnig. sasagutin ka pa ng ha?
weh? onga may mga ganyan nga…pero alam na alam nila pag di ka nagbayad di ba?
Ate Kaye sa lahat ng sinabi, i agree with you. Unang una lagi din akong nagjjeep papuntang work. Minsan nga naisip kong magblog about this topic pero di ko na tinuloy kasi saa sobrang daming dapat isulat mapa good or bad eh kakapusin ang powers ko.
Buti na lang at nakapagsulat ka about riding in a jeep. Nakakainis nga naman ang ilang pasahero at driver. Lalo pat gusto mong me good start ang morning natin!
Sana lang nga ituro rin sa skuls at ng mga magulang good manners at ryt conduct during inside a public vehicle.
TIP: Ate Kaye bili na lang kayo ni Kuya ng CAR para less time na sumakay ng jeep! hehehe!
nako talagang kulang na kulang sa good manners and right conduct ang mga pinoy.
bihira kami magdala ng sasakyan, usually pag umaalis as a family or kapag weekends kasi mas masarap sumakay na lang pag me pasok kesa magmaneho… kaya marami pa ring eksena sa jeepney ang mangyayari
just like we talked about last night on the way home, my number 10 would be yung mga taong sasakay na dala halos buong bahay nila o kahit maleta man lang at pilit na pupuwesto either sa may estribo o malapit dun. that really ticks us off. para naman kasing ayaw na nilang magpapasok ng ibang pasahero dahil sa dami at laki ng dala nila. edi magspecial trip na lang kayo noh at bayaran nyo na lang ang buong sasakyan para kanilang kanila na yung jeep noh! sarap tuloy pagkukutusan e! amf!!!
hahahahah!
sige kutusan sila! ay, lagyan na lang sila ng kuto galing ke ipis! hahaha!
Marunong ka palang mag French?

10. Mga pasaherong parang lutang. Malalaglag ang payong. Nag-ri-ring ang phone pero pinapabayaan na lang na tumunog. Nakikipagsiksikan kahit konti lang ang tao sa jeep. Lakas ng trip na nakangiti kahit wala naman kangitiin. Yan si Salbehe.
ay salbe! gusto kita katabi! hahahaha! dali sabay tayo one time mag-dyep!
bwahahaha! natawa ako ng bonggang bongga. naimagine kita…at naisip na hindi nga malayong mangyari to. hahaha!
: Hello ate kaye, nakita kona po yung gift mo sakin.. Salamat po ng so much!!!!

whoa! ambilis ng reaction ah. heehee. fan mo ko eh.

Tutal marami na ang nakakarelate sa number 8 so ako din.
Oo nga at favor ang pag-abot ng mga bayad naten sa jeep so para sa akin personally e PALAGI akong nagpapasalamat sa mga ganitong pagkakataon. Usually tagalog version hindi ‘thank you’. Wala lang kasi feeling ko mas me effort ng gratitude ang salamat (3 syllables, ang thank you 2 syllables lang).
Pero may other side ang story na ito. Yung mga hindi nag-aabot ng pamasahe. Kapag may nag-abot sa akin ng pamasahe nila tapos yung mas malapit sa driver naman e ayaw mag-abot e binabalik ko dun sa may ari ng pera ang pamasahe nila sabay sabi ng malakas:
“Ayaw pong iabot e.”
ako din usually, tagalog ako magpasalamat, as in salamat. kasi mas feel ko yung gratitude pag ito ang sinasabi ko.
haha! tama yan ibalik mo na lang sa pinanggalingan pag walang magabot. hehehe.
Hm, parang nasabi na lahat ng hindi ko rin gusto pag sumakay ako ng jeep! Ayoko sa mga pasaherong na pag pumara tapos medyo inabante lang ng driver yung jeep niya para maparada ng maayos, eh, magagalit na sila (yung pasahero). Feeling naman ng pasahero, eh, sa kabilang mundo na siya binaba ng driver. Ayoko rin sa mga pasaherong nagmamadali bumaba na umaandar pa yung jeep eh gusto makatapak na sila sa lupa. ;} okay lang kung nagmamadali, pero sana wag maka cause ng traffic.
Eh may mga natatae ren kase na kelangan na talaga makauwi ng bahay kaya excited makaapak sa lupa. Saka makaupo sa inidoro. Hahahaha.
Ayun lang. Di na pala ako galit sa mga nagmamadali bumaba ng jeep!
hahaha! talagang natatae sila ano? nakow. parang ad lang ng diatabs?
ayoko din sa mga ganyang pasahero… kakaunti na nga lang ang mga disiplinadong jeepney driver, di pa pabayaang maging disiplinado. nagiging cause din sila ng pagiging walang pakialam ng mga jeepney drivers eh. napapailing na lang nga ako pag may mga ganyang pasahero o kaya mga lekat na driver na sa gitna talaga ng kalsada nagsasakay at nagbababa ng pasahero.
Hello, Ms. KeeKaye. I just saw this today after I’ve read your comment in my DA gallery. ^_^ Thank you also. I’m so glad you like my artwork. You got a very interesting blogsite here. Keep it up!
All the best,
Nik
Hi Nik, thanks for dropping by and letting me use your artwork. You’re a really good artist, btw.
Isa sa mga ayoko eh yung nagyoyosi sa loob ng jeep o kahit anong pampublikong sasakyan.
Isa pa yung mga driver na nabibingi kapag nanghihingi ka na ng sukli
ay totoo yan! honga! hinayups ang mga ganyang drayber! as if naman mawawala pagkalalaki ng mga yan kung ibigay nila agad yung sukli. kasi pede namang sabihin ng drayber na wala pang barya kaya di masuklian diba?
ayoko din ng mga nagyoyosi sa loob ng jeep kaya pag ganun nakikiusap talaga ako na itapon yun. sus naman. bagong ligo ka sa umaga tas magaamoy usok tambutso ka na nga, pati ba naman usok ng yosi?
haha natatawa ako sa mga napansin mo sa jeep, normal at yung sa pagupo ng lalaki minsan mahirap magtikom ng hita haha basta, siguru nakasanayan na ng mga lalaki un para kasing ang bakla pag naupo ka ng magkadikit ang hita. tapos un nga yung sa mga babae naman kung maupo naka side pa kuha na ung space ng pang dalawang tao, hahays! meron pa gustong gustong maupo sa likod ng jeep dun s a pinakadulo tapos biglang makikiabot ng pamasahe eh dalawa lang kayong sakay!? minsan hindi ko pinapansin yung ganun. edi lumapit sya sa driver wahaha (mean ako sa ganyan hehe) nakakainis din naman yung dalawang earphone ang nakasaksak sa tenga tapos may kakwentuhan na katabi, parang tanga lang naiintindihan pa kaya nya sinasabi ng kausap? hekhek o baka naman sabik lang sya sa earphone nya. nakakainis naman sa pasahero yung papara sa kanto, bawal magbaba kahit saang kanto sa pilipinas. dapat alam na ng pasahero yunm, yung iba galit pa sa driver ang layo layo daw ng piangbabaan..
aww tama na ang dami ng nasabi TARAGIS! isa lang naman sasabihin ko talaga.. drum rollss…. SALAMAT MOMMY KAYE sa pag lagay ng BADGE ko dito hihihi! (*blush *blush ayun o may picture ako hahaha)
regards to Daddy Bong!
weh? dapat lang itikom ang mga hita kasi wala nang nauupuan ang ibang pasahero. haha. relate ka ba?
ang masama sa nakaearphone habang nagkukuwentuhan, pag nagsalita ang lakas lakas. akala kasi niya mahina ang boses niya. di niya alam na ang lakas lakas pala at di niya halos marinig dahil sa lakas ng music na pinakikinggan niya. haha
you’re welcome, bons. kapogi mo diyan ah. hihihi!
andyan lang si daddy bong.
naalala ko tuloy yun nakasabay ko dati sa jeep. lahat ay nagulat ng buksan nya ang bag nya at naglabas sya ng landline! hahaha. at tulad ng kwento mo, maingay din sya, parang nasa bahay lang, purkit malaking telepono (at hindi cellphone) dala nya hehe.
LOL @ landline! nakakagulat nga yan. ang alala ko kasi na nakakairita na nakasabay ko sa jeep before e yung mga china tv phones na bigla niyang nilabas sabay tune in sa isang local show na pagkalalakas lakas. nako. kesehoda. pinagsabihan ko naman siya albeit politely, na hinaan ang volume ng kanyang pinanonood…nagpasalamat pa yung isang katabi ko kasi nairita din pala sila. hahahha!
i think in general, we Filipinos are just too polite to tell others that we are offended. oftentimes, we’d just suffer in silence. pero ako kasi pag feeling ko justified naman yung pakiusap ko, then i assert myself.
ay panalo ito. damang-dama ko rin ito araw-araw.
ang pinaka-ayaw ko yung naninigarilyo at yung ginagawang sala yung jeep. pero minsan naiirita ako sa mga driver na bossy ang dating at kung saan-saan nagbaba. parang bahala ka dyan kahit ano pa mangyari sa iyo.
marami talagang ganyan…kaya lang wala tayong ibang masasabi, but that’s life. hehehe. parang di na ata pilipinas pag ang mga driver e disiplinado at hindi abusado, no?
[...] mambalahura ng mga artista. Anyways, ang pinaka kinarir at paborito kong nasulat nya ay ang kanyang Eksena sa Jeepney. Ang comment ko don, sinulat ko pa sa papel dahil nasa office ako, tapos tinayp ko pagdating ng [...]