Nagsimula lahat isang Biyernes ng gabi, ilang linggo na ang nakalilipas, nang magkita kami ni Kuhracha sa isang kainan dito sa Alabang.
Sa paghuhuntahan namin, (pareho pa naman kaming madaldal at makwento), napagusapan ang pagkikita ng mga magkakaibigan sa blogosperyo. Ang setting? Videoke. Bakit Videoke? Bakit ba, walang basagan ng trip.
Gusto nila (itago na lang natin sila sa pangalang Salbehe, Vajarl at Shea) na magvideoke naman at napagusapang gawin ito sa isang resort. Sabi ko ok na idea ang videoke. Dahil kahit papano’y nasa tono naman ako at si Daddy Bong ay kulang na lang maging professional singer, mahilig din kaming magvideoke.
Ang sumunod na tanong ay saang resort at kailan? Biglang nagtanong si Kuhracha kung may videoke daw ba kami. Tamang tamang meron nga. Parang nagimbestiga lang ano? Napaisip din naman ako na kung sa resort gagawin, at overnight pa, baka malabong makasama kami nang di namin isinasama ang mga bulinggit na piglets. Kaya ayun, napagkasunduang gagawin ang videoke sa amin…aktwali, sa bahay ng aking mga magulang kung saan dati ako nakatira (shempre, saan pa ba?)
Kailan naman ang party? Hindi maaari noong weekend na iyon dahil nakatakda kaming lumipad patungong lah lah land. Ang sumunod na weekend naman ay kaarawan ni Rizal. Hindi din pwede. Bakit? Hindi ko alam basta naisip namin ni Kuhracha na hindi yun pwede. (napapaisip tuloy ako kung bakit nga hindi pwede.) At sa wakas ay itinakda naming gawin iyon sa sumunod na weekend.
At yun nga ay naganap noong Sabado. Pero ilang araw bago yan ay katakut takot na plurk private messages muna ang aming pinagsaluhan. Karamihan dito ang usapin sa oras ng pagkikita ng mga dadayo sa Sta. Rosa, kung paano nila pupuntahan ang promding sina Mami Kaye at Dadi Bong, anong mga dadalhin—shempre kaunaunahan ang alak at chismis, at marami pang iba. Maraming inimbita, pero marami rin sa kanila ang isnabero at isnabera (joke lang pero half-meant.)
Sa huli’y siniguradong darating ang mga sumusunod: Kuhracha, Vajarl, Shea, Kikilabotz, Salbehe at isang misteryosong guest na itago na lang natin sa pangalang Duking.
Pasado alas-5 na ng hapon nang timbrehan ako ni Kuhracha na nasa Sta. Rosa na sila nina Vajee, Shea at Kikilabotz. Matapos ang sampung minuto, naroon na sila sa tagpuan sa plaza ng Sta. Rosa. Doon namin sila sinundo ni Dadi Bong at Jeremy na biglang naging mahiyain sa mga tao…inaantok lang pala. Ayun, pagkasakay na pagkasakay nila sa aming sasakyan, sinabi rin nila agad na may kagandahan silang ginawa (read: katangahan) Ano yun? Naiwan lang naman nila ang French fries at hotdog na dinayo nila sa Festival Mall sa Alabang. Mabuti na lamang at yun ang eksaktong mga binili ko noong gabi ng Biyernes bago umuwi. Sana lang nakita ng driver ng van na sinakyan nila ang mga naiwan nilang epektos para naman mapakinabangan pa rin kahit papano.
Matapos ang ilang mga lakad pa ay umuwi na rin kami sa amin. Pagkababa ng mga gamit at pagkapahinga, sinimulan na ang pagkanta…sinimulan na pala namin ni Cassie. (mabuti na lang at naiayos na ng kapatid kong si Anne at ng kanyang nobyong si Bonid ang lugar kung saan kami magkakantahan)
Kinanta namin ni Cassie ang walang kamatayang Paparazzi. Gusto kong isipin na namangha sila sa galing ng anak ko. (walang kokontra. Stage mother din ako akala nyo!) At sinundan namin ng awiting inaawit namin sa aming pagtulog ang You Changed My Life in a Moment. Taob na naman sila kay Cassie.
Maya maya pa’y inumpisahan na rin nilang kumanta at kumain ng chichirya. Di kami makapaghapunan dahil wala pa noon si Salbe na kasalukuyang nagbibiyahe papuntang Robinson’s Sta Rosa upang katagpuin si Duking (uuuuyyy!) Isang oras lang naman ang pinaghintay ni Duking (na buti na lang e hindi naduling sa paghihintay).
Pasado alas-8 na nang magparamdam si Salbe at sabihing magkasama na sila ni Duking. Sinundo sila ni Dadi Bong habang ako ay naiwan para makikanta.
Pagkarating nina Salbe, nagkumustahan, pakilanlanan, at nagkayayaan nang kumain (tama ba ang chronology?) pinakahuling dumating si Salbe pero pinakamalakas at nangunguna ang boses niya sa pagsabing “sige” nung magyaya akong kumain na kami.
Habang kumakain, sige pa rin ang kwento. Kinuwento niya ng bonggang bongga ang istorya ni Roi. (Roi, kung mapunta ka dito sa site ko, patawad. Pinagusapan ka namin. Sabi naman ni Salbe, may bendisyon mo naman…di ko nga lang alam kung may bendisyon mo nung laitin ka namin. Hahaha! Biro lang, Roi.)
Matapos ang kainan, nagpahinga ulit sa extension ng bahay kung saan kami nagvideoke, at nagkaron na ng tarotan. Ako ang unang sumalang. Kakaiba ang tarot cards ni Salbe. Maganda, kakaiba, nakakatakot, at higit sa lahat, kulang! Pano mo naman mahuhulaan ng tama ang isang tao kung kulang ang tarot cards? Iyon lang magaganda ang picture ang dinala ni Salbe. Pero di namin alam yun shempre nung una. At dahil ako ang unang sumalang, mega shuffle ako ng cards at pagkatok ng dalawang beses. Ang maganda nito, me kasamang pagsambit ng Knock Knock habang kinakatok ang deck ng cards. May silbi pala yun. Dangan lang at basic service lang ang ibinigay ni Salbe sa akin. Pero dahil may baong panangga si Kikilabotz, ayun, may value-added service ang hula ni Salbe sa kanya. Kung ano yon ay di ko sasabihin kasi baka magpahula kayo kay Salbe at di na kayo maexcite. Ang totoo, exciting ang mga hula ni Salbe na lalo pang pinaexciting ni Duking.
Maya maya lamang, matapos hulaan ang halos lahat ng naroroon, ay binalingan na namin ang pagkanta. Hindi namin pinatawad ang mga bago at lumang kanta, at lalong mabili ang mga kanta ng Aegis, Air Supply, new wave, at higit sa lahat, ng palabas na Glee. Ang Videoke King award ay dapat kong ibigay kina Vajarl at shempre, kay Kikilabotz. Hands-down winner sana si Kikilabotz na talagang ipinagmalaki pa nila sa akin ang husay at talento sa pagawit, pero kelangan ko ring bigyan ng pansin si Vajee na kinabog si Chris Colfer at pati na rin si Dadi Bong sa pag-awit. At ang Videoke Queen ay walang iba kundi si Kuhracha. Kasabay ng pagkanta ay ang pagtagay…may beer at may tequila at ang tanggera? Si Shea. Sinabihan ko siyang huwag madudulas sa hagdan dahil kawawa na naman ang mga binti niya pag nagkataon.
Lampas hatinggabi ang inuman at kantahan. Mabuti na lamang at naisipan pa naming magkodakan bago magmukang “wasted” ang mga tao. Wala namang nalasing, pero kung narinig mo siguro kung paano ang kantahan, malamang di mo malalaman ang pagkakaiba ng lasing sa hindi lasing. (biro lang!)
Nang mapagod sa pagkanta, napagbalingan ang kwentuhan. Maraming maraming maraming maraming kwento. At sa palagay ko, kung ikaw ay isa sa mga blogger na mahilig magpunta sa mga blogsite ng mga taong nagkita kita noong Sabadong iyon, pihadong isa ka sa mga napagusapan namin.
Magaalas-4 na nang magpasya kaming lisanin ang bahay ng aking mga magulang upang lumipat sa maliit naming tirahan na walking distance lang din naman mula doon. Si Duking ay nagpasyang umuwi sakay ng kanyang motorsiklo, habang lahat kami’y naglakad na papunta sa aming tahanan. Pagod na ang lahat at antok kaya’t si Kikilabotz, paglapat pa lamang ng likod sa higaan, ay daglian na ring natulog.
Kami ni Bong ay naghanda na rin sa pagtulog at ilang minuto lang, ay tahimik na ang buong bahay.
Kinabukasan, matapos ang brunch ay nagpasiya nang umuwi ang lahat. Ayun, balik sa ingayna lamang ng mga piglets ang munting bahay namin, na sumandaling napuno ng halakhakan ng mga bisitang nagsipagbalik na sa kanikanilang buhay at bahay…
Anyare?
______________________________________
Update:
Dito ko na lamang ilalagay lahat ng mga larawang kuha nung gabing yun. Muntik na magkalimutang naghanda kami ng camera para may ebidensya ng pagkikita dahil nasobrahan yata ang lahat sa kanta, inom at chismis. pero narito ang ilang mga larawang naalala naming kunin…

Ayun ako sa likod ni Vajarl, si Salbe, parang modelo lang ng instant coffee, si Kikilabotz, parang mabait lang, at si Shea, na tanggera. Asan sina Duking, Kuhracha at Bongkito? Si Kuh ang photographer, si Duking, di ko alam kung nasan at si Bong ay umuwi sandali

Ito ang kuha bago magalisan ang mga bisita. Sumama sa picture taking ang mga bulinggit na sina Jeremy at Cassie, at shempre, ako e parang wala pa sa huwisyo kasi nagluto ako ng kinain namin at biglang napapicture taking. ayun tuloy...
Sana parang Facebook lang, na pwedeng i-tag na lang ang mga larawan kasi parang lasing lang ata ang naglagay ng caption. hehehe. Nagmamadali po ako kasi siningit ko lang ito. Dahil si Dadi Bong e kanina pa nagtetext saken at pinepressure akong magpost ng mga pictures dito.
Sa uulitin!










Like
base heheheheh
owmaygulay. Umalis lang ako sandali at pagbalik ko e may naka-base na. hahaha! ang galing ni tarbs! congrats! dahil diyan, hahatian ka namin ni bong sa damages mula sa MB. hahahaha!
yeheyyyy!!!! para na ring nakapunta ako sa Sta. Rosa at naKipagKITa* sa mga blogger friends hehehehhee
*kantahan, kwentuhan, inuman, tarotan
hay naku, tarbs, ikaw ang isa sa mga isnabero na sinabi ko diyan sa taas. lagi ka na lang di pwede. hmp. (tampo mode) hehehe
ate kaye ko http://keekaye.com/wp-content/plugins/tango-smileys-extended/tango24/frown-big.png
waaaaah! 2nd base lang kami ni pongkie!
hahahaha! 2nd base na lang kayo ni pong, kuhrach!
nakalagay sa ym status ni tarbs, busy daw cia. ganito pala pag busy. bume-base. pati kay anini, base din cia. kagaleng.
bumeys nga lang. hahaha!
Ako ren naman busy. Shet nakakapagod pala magtrabaho ng magtrabaho!
Hakhak. (Eli, wer na you?)
oo magtrabaho ka ng magtrabaho! teka, baket ang aga mo?
Ganyan talaga mga masisipag Mommy! Mas busy pa ko ke Salbe, mapagpanggap lang yan. Hahaha.
pasensya naman mam kuhrach kanina ko pa binabantayan kaso may tinapos akong IPP naunahan tuloy tayo ni kuya tarbs. not bad naman eh
si kuya vaj ol din baka naghahanda ng post bantayan natin.
mygulay. talagang napabunghalit na naman ako ng tawa. adik ka talaga, Pong! adik ka na!!! hahaha!
hindi na ako magbabloghop kasi pinagkukwentuhan pala nila ang mga bloggers ehehehe
ang saya ng naganap panigurado.
nakakaeksayt ang meet up nina ate sal at kuya duks
kow, isa ka sa mga pinagkwentuhan namin shempre, pong. ikaw ang pasimuno kumbaket nagbibigay ng katakut takot na blessing si kuhrach at kulisap eh. ayun sunog na sila pareho!
Pong di ako makapagblog busy ako!
nagpapanggap ka lamang busy kuya vaj,
parang ako lang nagpapanggap na wala sa sambablog.
isa lamang masasabi ko sa pagupdate ni mami kaye sa post na ito.
PROUD OF THE SHIRT!
Dream, Believe, Survive, Starstruckvajejejejeeje
Base!!!??
ambilis natin ngayon, salbe ah. parang petiks mode lang. hahahaha! tapos na ba project mo?
Walangya! Akala ko beys ako! Anyway, binasa ko kasi muna.
Una, isang oras lang naman naghintay si Duking, babae ako, karapatan ko yun. Hahahahaha! Peace Duking. Kung bibigyan mo pa uli ako ng pagkakataong makasama ka uli, 30 mins ka na lang maghihintay. Isa pa, inaasahan ko talagang darating si Roi kaya alam kong meron pang mas malalate sa akin. Eh hindi sya dumating sya tuloy ang topic ko.
Pangalawa, hands down ako kay Kuhrach at Duking, lastek mga pang-beer house ang kinakanta. Anyare?
Nasaan ang picture? Yun lang muna madami akong ginagawa. Kaye, ito lang yata makokomentan ko sa araw na ito. Hayks!
marami ka pang ginagawa niyang lagay na yan? sabagay, ako rin pala, sadyang feeling ko lang e di ako makakauwi ng buhay hanggat di ko pinopost ito.
ayun di ko nakuha sa camera/laptop ni bong ang mga pics. bukas na lang po. ia-update ko itong post kong ito with the few pics that we have. hehehe. walang nakaalalang magkuha ng maraming pictures. hindi naman kasi sabik sa videoke ang mga tao e no?
bakit nga walang pics ate kaye?
at kagaya niyo habang nagmi-meet up kayo ay siya naman din naming pinagkukwentuhan kayo sa fb, e-mails at iba pa joke lamang.
haha sorry naman. wala ang pics, bukas na lang, gusto ko lang isulat ngayon para naman may mabasa nang bago…bukas po bukas po bukas po ang pics. heheh
oo alam kong naguusap kayo pano dun sa wall ko kayo nagchismisan nina anjong at kulisap eh. ayun, pagopen ko ng email ko mga 60+ ang palitan ng messages nyo. yay!
ahahah oo nga pala sabi nga ni kuya kulisap mag ym nalang daw kami
sabi ko: blocked ang ym dito
si kuya anjong: naka cp lang daw siya
si kuya kulisap: dahil ikaw lang daw ang hindi niya bati kaya magkalat nalang daw kami sa wall mo eheheh
pasensya naman ate kaye.
yehey pics update!
paunhana ding magbase sa pics update.
hahahaha! loko talaga kayong tatlo. komo wala ako at walang tumao sa FB ko dun talaga kayo nagkalat.
sige, abangan ang mga pics. heehee!
whoa, momi kaye. ang lupet mo magkwento. kung minention mo pa kung anong ulam naten that night, pede ka na talagang imbestigador.
thank you sa hospitality nyo ni dadi bong. nag-enjoy ako pramis, pinakafave ko un chikahan portion.
teka, momi kaye. ihabol mo later un pichurs ha.
uu nga pala. hinde pde nun bday ni rizal kasi di ako pde non. hehehe.
lufet ba? humaba nga pero feeling ko kulang pa yan. chismosa nga eh. hahaha!
welcome kayong lahat.
ako din paborito ko ang chikahan portion kasi maraming kalokang kwento.
ikaw naman pala ang salarin at di pwede nung birthday ni rizal. hahaha!
oo, ako ang salarin. bwahahahaha. esep esep momi kaye kung anu naman ang kasunod na eb…
tapos na ang dinner, ang comedy bar at ang videoke…malamang swimming nga ang kasunod…
swimming! swimming!
oo. saan naman kaya?
ayoko. ibig sabihin magsi-swimming attire ako?!? kaderder!
alangan namang magpajama ka…hmmm…sige kung ayaw mo mag-2 piece, magnyorts at bra ka na lang, dad. hahahha!
ayoko baka sabihin nila kinakabog ko kayo kayo ni shea, kuhracha at pati na rin kaw noh!
sila lang siguro kasi wala naman akong karapatang magswimsuit anoh. baka pati langit magalit, kidlatan pa ko. hahahha!
ganon! hahaha! neway, you’ll always be naman kahit gano ka pa kabalot!!!
hope you had a great lunch, Be!
I’ll always be what? kung sexy, sayo lang yun magaapply. teka muna, wag natin dito yan pagusapan dad, sa bahay na lang. hhahahha!
sabi ko swimming. wala naman bastusan. two piece kayo jan. hahahaha.
ay wala naman akong sinabing magtu-2 piece tayo, kuh. si dadi bong lang. hahaha!
kaya mo yan kuhra! you have my vote of confidence!!!
o two-thumbs up pa!!!
basta. kinikilabutan ako. hahaha
waw ang saya nman! over nyt! ahihihihi
overnight na pagiingay, tawanan at umaatikabong chismisan. haaahahaha! yung mga isnaberong inimbita, yun ang pinagusapan. hahahaha! joke lang.
ahhaha. haii salamat nman at hnd ako ksama kc hnd ako ksama sa nag isnab! ehehhe..
bsta mkikita ko din kayo!
umuwi ka dito at nang mayaya ka. bawal mangisnab! hahaah
wow! ang saya naman..
hmmm, sana lang di rin napasama ang pangalan ko sa mga napag-chismisan…hahaha
akala mo lang yun…isa ka nga dun. wahahahahahahhahaha! ano kayang napagusapan namin tungkol sayo, anini?
waah! natatakot na akong malaman..hahaha
hahaahaha! matatakot ka nga. wahahahaha! di ka ba nabilaukan bigla habang natutulog ka?
sandali!..saturday ba nangyari to?..alam nyo bang 1 am na ako nakatulog..promise! usually 8 tulog na ko… kayo naman pala ang salarin…
ahahahhahaah! baka nga kasi yun yung mga panahon na nachichismisan na lang kami. hahahaha
haay! alam ko namang kami na naman ni tapa ang pinagdiskitahan..tinali nyo na mga pangalan namin ng di ko man lang nalalaman…haha, tatawa na nga lang ako, walang akong choice di ba?
naku! mapipingot ko talaga yang si tapa.
uy…wala akong nisasabi…aminin! hahahha!
sabi ni kuya taribong..better kung smile nalang ang sagot…hahaha, kaya ayan
hahaha! ikaw talaga…palusot pa..
Hindi man ako kasama, parang kasama na rin ako. Wag kang adik, ganun talaga.
Mas malalim na relasyon ang kakahuntangan ng ganiyang pagtatagpo, hindi lamang sa mundo ng blogesperyo kungdi sa totoong takbo ng buhay bilang taong naghahanap din ng mga taong iisa ang hilig, maging pag-awit, pagpapalitan ng kuro-kuro at simpleng pagtingin lamang sa kausap- may nababago.
Kaisa mga kapuso at kapamilya.
pag binasa ko lang ang komento mo, maiisip ko talagang isa kang mabuti at maayos na tao. pero dahil nangako akong di kita aawayin hanggang sumapit ang kaarawan mo, e pasasalamatan ko na lang ang mga tinuran mo.
pero sana, kasama ka na namin sa susunod na pagkikita. wag kang pasaway.
Mala
OMG bat ganyan ang nangyari sa reply ko? NABURA? HANLAKAS NG POWERS NI LOLO BAWAL ATA LAITIN hahahaha.
hala anyare? ulitin mo ulitin mo, bilis! di ko siya malait kasi nangako akong hanggang makaberdey siya di ko siya aawayin e
Yey may award ako!
Pasintabi nalang sa mga bloggers na napagtsismisan namen kagabe. Haha. kagabi diba? Sunday morning madaling araw? Ohet nakakahilo. Wala kong tulog nyan. Haha.
bwahahahaha! pansin ko nga, mukang lasing ka ata. hahahahah!
oo may award ka. lalo nung kinanta mo si grace kelly. hahahha
uu. tumaas ang tingin ko sayo vajee ng one inch nung kinanta mo yun grace kelly. whoa!
hehehe ako din nalorki ako. ang galing ah. parang may pinaghuhugutan lang ano?
dinownload ko na un song!
gusto ko na rin tuloy iDL. wait…
Na DL ko na. hahaha! buong album
grace kelly talaga title nong song ate Kaye?
teka search ko, di ko pa ata naririnig yan.
k got it.
ngaun ko lang nga narinig toh.
ako din. cute noh? hehehe
waahhh.. mas love ko yung version ni vajee kesa sa original.. hehe.. dapat vinideo natin si vajee… i love you na vajee…
ako din mas gusto ko version ni Vajee kasi talagang feel na feel ang angst. parang may pinaghuhugutan lang talaga
vajee, sana naman makonsensya ka sa pag-chichismis sakin..hahahaha
hahaha! yan pa makonsensya. e dun pa nga lang sa tshirt na suot niya (statement shirt na nagsasabing “I survived catholic school”) e alam mo nang walang konsensya yang taong yan. hahahah!
Bohahahahahaha!
*insert more evil laugh here*
Haha. Gusto ko pa ng kombip! Di mo nakwento ang masarap na gold label, Mommy!
sorry naman at baka maloka na ang babasa pag pati kombip kinuwento ko pa. mashado ata detalyado ang pinagsasabi ko dito. hahahah!
Aninimaster, gusto mo ng lobster? Haha.
bwahahahahahaha! talagang binanggit ang lobster na palalakihin pa lang?
ay mashado ata marami ang nasabi ko. hihihihii!
Hahaha. Napapaghalataan ang pagkalahing tsismosa ng mga nag meet! Hahaha. Paktay.
GOLD LABEL FTW!
tayo? chismosa! bwahahahahah
wahahahaha.. makikitsismiss na rin
tahimik ka pa nga eh…pero ang sabi di ba, silent waters run deep. hihihi
ayan na naman lobster na yan..dyan nagsimula ang lahat eh!
hmmm, makakaganti rin kami,,someday…hahahaha
uy…”makakaganti rin kami, someday”
at talagang magkasama kayong gaganti ha? hahahahaha! uyyyyyy! dyan nagsisimula yan!
cnu ba un “kami”? teka. pinagkakaisahan na si anini. hehehe. ganito kami kasupportive anini. pasensya na. hehehe.

pero manalig kang wala akong inilahad kung may nalalaman man ako.
anong wala? umamin ka, Kuhrach. umamin ka. bilis! hahahaha
Uuuy! Kinilegs ako hahaha. “Kame”. Hindi na sila independent, talagang naka group na sila. Hahaha.
Argentinini Corned Beef OMG!
hahaha! pati sa corned beef, magkasuyo? hahaha!
waaaaaaahh.. ang saya saya natin nun. nakakamiss agad…lalo na ang kyut na kyut nila ate cassey at kuya jeremy..manang mana kina ate kaye at kuya bong..hehe..
salamat pala sa warm welcome khit bago niyo pa lang ako nkilala..haha..magppraktis na ako kumanta..promise.hehe
haha! panay nga ang pacharming sayo ng little girl ko eh. hahahah! two years old pa lang, may crush na. wahahaha! mana kaya saken yun? bwahahahah!
oo, tama magpractice ka na kumanta para kabugin mo si vajee. hehehe
Hinding hindi ko malilimutan na nagoyo mo ko sa Realize mo. Tagoinks.
waaahhh… kasi mommy kaye ayaw mo pa ako i-hire eh.. para sayo bababaan ko TF ko..
hahahaha! lagot, di ko pa rin kaya ang TF mo, shea.
Waaaa kainggit next time po sasama na po ako sa grupo nyo! Magpapakita na ako in person! Invite nyo ako ate kaye!
hahaha Sinabihan kita na magkakaroon. eh pumunta ka bohol eh.hehehe Naginvite dati si kurat.
Lagot. e kaya naman pala, nagpunta ka nga pala ng bohol, Pat. masaya at maganda din dun, pero mas masaya kung kasama mo kami.
Si Tim, inimbitahan pero di sumama…
hi miss kaye!
sasamantalahin ko ang opportunity na nagpasalamat na nakarating ako sa napakaganda nyong bahay,makakita ng pinaka malaking aruana at dragon fish,kumain ng masarap na kaldereta,iminom at kumanta sa videoke at tawanang walang humpay.ang saya talaga.
yung warm hospitality nyo ni sir bong makes me stay up to wee hours.maraming salamat.next time,sasama ulit ako!
@salbehe: ikaw ang nag open ng opportunity sa akin para makasama so kakalimutan ko na isang oras din ako halos nag antay dun sa bench ng robinson.iniisip ko na lang na bigla sanang dumating si forrest gump at alukin ako ng box o’ choc’lets sabay kwento ng buhay nya…kaso wala.nag apply akong bagger dun sa supermarket at muntik nang mag sign up as night security guard ng mall buti na lang dumating ka na.hula ko,inuto ka nung pinag bilhan mo ng tarot.
@kurach and vaj: kung musical ang buhay nyo,yun pa rin siguro ang mga kantang ilalapat nyo ano?hahaha!
isa pa,huwag ganun!nagmukha kaming mga palakang naghahanap ng away dahil kapag kayo ang nakanta,ginagalingan nyo.
@marvs: nice to meet you,pre.ganyan din ako katangkad at kakisig nung 22 ako.whaaaa!
@shea: salamat sa tagay.nagagalak akong makilala kayo.
@kaye and bong: musika ang inyong pag-ibig,tingin ko,yun ang lalong nagpapatibay ng pagsasama nyo.
magandang araw miss kaye at muli,maraming salamat!
Dukingsters ang theme song ng buhay ko ay “Giling giling” ni Willie.
teka tama ba taytol? Basta yung nasa wowowee! Haha.
wow, duking, i am floored. hehe salamat din at nagpaunlak kang sumama sa aming kaguluhan. ikaw talaga ang panauhing pandangal.
ang saya talaga at sana e maulit muli. haha parang kanta lang.
Para lamang nanalo si kuya duking ng isang award (acceptance speech) eeheheh
sayang wala kami kuya duks di sana nagsharing(an) mas riot iyon eheheheheh
sana makasama kami sa susunod.
yippppppppppeeeeeeeee!
isama nyo ako Pong para mas masaya kuletan.
kahit di ka isama ni pong, isasama kita, ading.
wahahahah! parang acceptance speech nga lang ano? hehehe
lagot ang sharing, mangunguna dyan si kuh. hahahha!
baket ako? wag na ako. wala na ko ibo-blog pag kinuwento ko senyo lahat.
ayos na yun, ibang tao pagusapan naten. wahahahaha
hahahah! kaya pala si salbe ang bumabangka nung chismisan portion. talagang videoke ka lang bumabangka. hahahha!
oo ah. kantahan tska sa kainan lang forte ko. tahimik ako sa personal.
baket pinakamahaba ang message mo kay salbe?
hahaha! kelangan talaga pansinin mo noh.
Hang saya naman. Magaling pala sina vajee at kurat kumanta. palagi me hawak na mic.=P
TADU.
lekat na…mapipingot ang tenga mo, Tim!
uhhh… uhhh… duh?!?
Nahalay nanaman pangalan ko dito! Hadek yooou! Haha.
wow! as in wow! nakangite ka mami kaye habang tinatype ang entry nato ano? hahaha! ang saya saya nyo nga. pati dito ramdam e. hehehe
pinaka-naintriga ko sa tarotan na kulang ang deck. wahahaha!
ay oo, nakangiti talga ako habang ginagawa ko tong entry na to kasi naaalala ko pa ang kwentuhan eh.
oist, roastbeef! ang daya mo, di ka na naman sumama. hmp!
e di sana nahulaan ni salbe kung sino talaga ang makakatuluyan mo. bwahahahaha!
ang saya-saya naman pala ng eb ninyo…sa susunod sama ako….Now na! HAHAHAHA
masaya talaga, kuya blu! uwi ka ulit at sama ka na sa susunod. now na! hahahaha!
waahhh.. piktyurs.. dapat pala di muna ako nagpaunat ng buhok para mukha din akong 22.. o di kaya para nakapasa ako na yaya kila cassie at jeremy..
hahahaha! sira ka talaga, shea. pero dama ko ang pagpapaunat mo ng buhok. hehehe. maganda nga eh.
momi kaye, copy ko mga pics ha? upload ko sa fb…pd ba sila i-tag?
will send the pics in your email po.
grabe! ayhetchu guys!
napakaanper!
haha! baket naman, ading? love naman kita ah…
ang sasaya nyo naman, kelan kaya ko makakauwi ng pinas.
Ate Kaye basta ha pag me pagkakataon… kahit ako magluto lahat ng pagkain basta ganyan kahusay ung samahan.
Masaya talaga. at lalong masaya kung kasama ka. sana nga umuwi ka na. tsaka di mo kelangan ishoulder lahat. hati hati tayo. hehehe…
uwi na, ading!
naku, toni. di ko alam kung homesick ka ba jan. basta pag uwi mo, magparamdam ka samen. icecelebrate naten pag-uwi mo. di mo na kelangan mainggit. hehehe.
@ate toni
syempre isasama ka namin
ikaw kaya ang masugid na mambabasa ng sambablog
yehey yippppeeee!
@mam kuhrach/ate kaye
isama niyo kami next time! sharing tayo ahahahhahah!
@ate toni at sambablog na hindi na kasama
kahit wala tayo dun parang andun na din tayo kasi pinagusapan din nila tayo. anyare?
@mam kuhrach 2
beys tayo sa new look na bahay ni dadi bong. adik mode!
sumama gustong sumama. the more the merrier. pero umuwi muna kayo. bohahahahaha.
muntik ko ng makalimutan na nasa disyerto nga pala ako at nakakulong sa pulang buhangin….
homesick mode.
onga. gusto nyo sumama e anlayo nyo naman, sabay sabay kayo umuwi sa december para masaya!
april 2011 pa uwi ko ate kaye
magkikita-kita din tayo ‘pag nagawi ako ng elbi
daan ako sa inyo di ba sa sta. rosa po kayo?
anong gusto niyong pasalubong? buko pie, lanzones (parang product ng laguna yun ha? vajejeje)
nakow. buko pie. paborito ko kaya yan. pero ayoko ng lanzones. mabuto. hahaha. pero oo, bakit ba ang pasalubong mo e lahat puro produkto ng laguna? hmmmmpppph!
gusto ko un bugok. alam nyo ba yun? ung bibingkang itlog?
di ko yun alam
di kaya pancake yan? hahaahah
ah yun pala tawag dun! talap yun! bili ka nga and share mo sa min ni kaye! hehehe
waaahhh! onga naman toni. di mo na talga kelangang magsabi kasi inaabangan namin ang paguwi mo.
Ayun ang pichurs, ayun! Yehey! Saya-saya.
Swimming naman. Wimming!
onga! swimming! swimming! hehehe
naku… sumakay ka pa bt. ayaw namen sa drowing. hahahaha.
hmp! pwede ba. si lababo nga, kawawa sa amin dahil drawing, e yun isang beses pa lang lumiban, ikaw, pangalawang pagkakataon na to na tinanggihan mo. hmp! ayoko sa drawing, roastbeef!
lab you ate kaye ko!!
waaaaahhhh! na-tagged na ko na drawing. sorry na… pero swimming?! naku naku naku! sana ma-invite pa din ako.
saka mami kaye, di ba pag-uwi ni tandang liz, bibisita kami sayo…
di ka ba drawing? drawing ka kaya. hmp. pero kahit drawing ka, kumbaket naman talagang iniinvite ka pa rin namin. hmpppp!!!
oist roastbeef, bakit tandang liz ang tawag mo sa kapatid kong yun? pingutin kita diyan eh.
and i hate u totoong totoo BEEF TAPA…
ate sori ha… ingat po.
Sabi ko na may magrereact. di bale, sis, piningot ko na sa isip ko yang roastbeef na yan. hmp!
mami kaye bitaw na sa tenga, baka matanggal na…
ate liz! peace
ikaw kasi, roastbeef, away mo si Liz! hmp!
kausap ko sia ate sa ym at copy paste nia sa akin ang comment ko dito.
ate alis muna ako hehehe pero ok naman ako. ung pinag usapan natin,di un natuloy. Pero ung inakala natin na dahilan hindi pala. Nasagot un ng mga araw na nawala ako, hmm nawala nga ba? Basta un un. malinaw na sa akin ang lahat since Sunday.
ano yan ate? hmmmm… ano yang usapan at malinaw na? toink. nagiging tsismoso tuloy. hahaha
peace ulit ate liz!
tse! di ka kasali sa usapan. drawing ka na nga, tas inaaway mo pa si liz. hmppppp!
Etchos!!!! email mo ko, bilis! di ka na sumagot sa plurk message ko nung isang araw
nawala ka na lang bigla…
pero you have to email me. now na!
uy pede sumali? bat di na lang natin gawing ulam para masarap? charred to the bone or gawing buto-buto? shaks! bigla ako nagutom! hehehehe
waaaaaahhh! lalo ako nagutom kuya bong. hahaha! si ate liz ba tinutuloy mo? naku…. ay teka, ayoko na mapingot. hahaha
talagang di ko na bibitawan yang tenga mo sa pagkakapingot ko loko ka talagang bata ka! hrmph!
dad, uwi agad. punta si luz and aymer sa atin… bili ako dinner. hahaha! di ko alam kung anong niluto nila sa bahay e.
mwah!
teka, ayoko ulamin si roastbeef. baka makunat. hahaha!
wahahaha! naku naku naku! sorry na po
di bale! sa gutom na tao, walang makunat. not unless balat ng elepante yan! hahahaha!
basta planuhin nyo muna. hahahaha
ang saya saya naman ate kaye ko!
ansaya saya talaga, kapatid.
May pichurs na! BOOYAH!
oo may pichurs na nga…
pramis ate kaye ko kung wala naman talaga ko pasok or hindi malayo sasama ko… kahet hawakan mo pa ko sa kamay para di ako tumakbo. behave ako
kapatid ko! bakit naman kasi di ka nakakasama sa mga tagpuan. pangalawang beses na pangiisnab na ito ah.
kelan ka ba pwedeng sumama?
lab you too, kapatid ko!
dinadaan sa paglalambing oh!
yan…kasi iba ang nilalambing mo ng nilalambing, roastbeef.
sasama naman talaga ko pag kaya…
ate kaye ko nag breakfast ka na po?
owww???e kelan kaya yun, palaging di pwede???
nagsandwich ako kanina kaya ayan gutom na naman ako
Hahahaha. Natawa naman ako sayo Jason Bieber. Ilang beses ka kaya namen inaya! Behave! Haha.
ibig sabihin si bro jason nang-isnab din?
pero lab parin siya ni ate kaye
si kuya beef paano na?
may peboritisim dito ahahaahah
sama tayo bro jason sa susunod ha!
hmmmm… hahaha! dinadaan ni jason sa paglalambing.
luv you mami kaye!
o sha sige luv na din kita…pero yun e kung magpapakita ka na sa amin next time. wala nang drawing drawing! si duking lang ang magaling magdrawing pero nagpapakita…si jason din magaling magdrawing kaya pinalulusot ko. hahahaaha
yahoooo ang dami daming pictures… at bakit mukha pa rin akong lasing the day after the inuman? wahahahahaha..
waaaaaaahhh.ang saya saya natin..parang bumalik tayo sa 80,s pag kumakanta na si kuhracha..hahaha
mukang lasing sa antok. hahahaha!
shempre pa ang unang binanatan ni kuh, ang gift of love. hahahah! ang galing galing!
aw, mommy kaye, naiinggit ako…

hnd kau ng iimbayt.
heniweys, at list masaya kau, ok nako dun..
awwww sows. sorry. sila ang nagimbita. ako naghost lang ng venue. di ko nga alam kung sinusinong darating. wait and see lang ako… sorry na…
Kuhrach, bakit di mo ininvite si sows???
wag ka na iyak, sows, sa susunod, maglalagay na lang ulit ako ng invite dito sa site ko. dati kasi naginvite ako through this site pero tatlo lang ang nagpunta…inemail ko pa ang mga nagrespond pero may kanya kanyang dahilan para di makapunta
so ngayon, ipinabahala ko sa kanila ang paginvite.
di mo pansin momi kaye, puro lalake ang ininvite ko? pasensya na.
ah c kuhrah pla ang ng invite. ok. wla nakong cnabi.
gud morneng nlng momi kaye!
Ate Kaye!!! Nakakainggit. Waaaa! Kung natuloy lang ako ng uwi at hindi naharang sa airport sana kasama ako.
Interested ako kay Salbe at Duking. Hmn.
@ PING PONG – april 2011 ka pala. Hehe… Magkasunod lang tayo.
@kuya dahn popong pogi
oo ikaw kailan?
hindi naman nakarating ang Kudu Lunch, ano ba yan?
bakit ka naharang sa airport? hmmmm baka may ginawa ka?eheheh
yung jolibi wag kakalimutan ha pag-uwi natin.
totoo ba to? uuwi ka talaga dapat?
baket ka interesado kina salbe at duking?
kelan ba talaga ang uwi mo, anjong?
Hmmmn, hindi ako naiinggit… hindi ako naiinggit… oo , naiinggit ako! sama ako next time
e kasi niyaya ka na nga tas di ka pa rin sumama… ayan tuloy… sama ka na nga next time!
Wow ang saya nyo lang! haha
ang saya talaga, Barry! sama ka sa susunod.
haha pweds! Hey may MCO sort of alumni homecoming every July. Why not invite yer mates around?
This is one of the reasons why I HATE that I’m in Cebu.
:c
So inggit. Sana nakasama ako Miss Kaye. :c
awww…sorry, cj…sana madala namin dyan sa cebu ang eb…teka the next time ba na magpunta ko ng cebu with dadi bong e makikipagkita ka ba samen? hehehe
Oo naman Miss Kaye! Todong picture post talaga pag nangyari yun.
Besides, idol ko kayo ni Mr Bong eh, so syempre dapat makita ko kayo if you do visit!
hahah! naexcite ako sobra!
ayun o!
pavideo-videoke lang.
si ate salbe at kuya duking. ahhh ehhh yeheeeeeeeeeee! hakhak!
tapos yung tarot card na ‘yan. totoo naman ba ang hula ni ate salbe? hakhak!
natawa lang ako sa picture ni ate salbe! parang commercial model lang ng mug. hakhak! o sige kape na nga. at pareho ata lahat ang pose niya. hakhak!
@kuya vajarl – paarbor ng tshirt please. akin na lang! akin na langgggggggg!
parehong short hair si mommy kaye, si ate salbe at ate shy. dapat andyan din ako sa picture eh. dun din ako sa lugar niyo. short hair dito! hakhak!
ayun napadaan lang. nakikibalita. hakhak!
makapunta na nga sa manila… kelan kaya? hakhak!
ay pwede! kapag Anime Convention! hakhak!
o di ba, pwede nang endorser ng kape si salbe. hehehe
short hair ka ba, eloi? sige punta ka dito sa manila…o kaya imbitahin mo na lang kami diyan sa baguio. hahahah!
yun o. mukang okey ang blog EB mami ah. isa sa pinakamagandang pwedeng mapala sa pagba-blog eh ang makatagpo ng mga bagong kaibigang magpapainom sa’yo. kampai!
Lio! sa susunod nga, sumama ka na sa amin. para mas masaya at nang makwento mo ng bonggang bongga ang mga magagandang nangyayari sa yo… hahahha!
wow naman po ate at talagang nagkita kita kayo.. siguro malapit lang ang bahay nyo sa isat isa. .di gaya namin na medyo malayo.. hehe.. siguro si eloiski.. nikka… jonathan.. ysae.. yin.. robert.. sino pa ba..? sila lang po ata ang mga malalapit dito sa amin.. hehe.. God bless po..
Orville! ang lalayo nyo kasi eh. sabi ko nga masarap siguro dalhin ang EB sa Baguio…o kaya sa Cebu. hehehe. EB din kayo diyan!
oo nga po eh. hehe.. baka po pag uwi ni pong mag EB kami.. daming mga bloggers dito sa amin kaya lang di kami masyadong close.. may isang school ng AMA dito na natuturuan ang mga students nilang mag blog.. we’re praying na matuloy ang pina plano naming blogging conference this october po .. start muna sa mga churches then tuloy kami sa mga campuses if papayagan..
masaya siguro kung marami talga kayo, pero yung tulad ng get together namin, ok lang din naman kung di super dami… basta masaya pag nagsama sama so sana nga makabuo kayo ng EB nyo dyan sa North
oo nga po ate,,, at gusto ko rin kasing maka EB si ginoong Kulisap. para
nga po pala ate.. hehe.. si salbehe po ba ang naka salamin? ang ganda pala nya hehe
waaaahhh! hindi nakasalamin si salbe diyan, kami ni shea ang nakasalamin, pati pala si Kuhracha sa huling picture. waaahhh!!!
ay sori po hehe.. mali ang tingin ko.. i mean ung naka gray ba yan?
nakow! mukhang may naaamoy akong one-on-one EB ah! hehehe
sige orville suportahan taka!
haha salamat po kuya bong nakuuuuuuuuuuuuuuuuuu!!! hehe
uuuuuuyyyy si orville!!!
eto lang po masasabi ko.
astig.
(hindi ata nagana yung smileys)
hello cheese. subukan mo ulit, gumagana na. hehehe
thanks for dropping by. Hope to see you here more often
Nakakatuwa Kaye ito. Parang kaylan lang ay faceless ang mga blogista. Dahil sa pangunguna ninyo Kaye at Bong ay nangyari at nabubuo ang napakandang pagkakaibigan na di lang natatapos sa blogosperyo. Binigyan ninyo ng buhay ang akala ko noon ay sa pagkokomento lang nagkikitakita.
Congrats sa inyong lahat. Pinagsasama-sama ni Lord ang mabubuting tao talaga…at sa pag-blog pa ang lahat nagsimula.
Talagang isa ako sa naiinggit. At nangangarap someday na makakasama sa kodakan ng mga bloggers(pati na videokehan).
God Bless sa inyong lahat at lalo na sa mga bloggers na nakipagsayahan sa pamilya ni Kaye & Bong.
Tama po kayo, Tats! hehehehehe
Sana po makadalaw po kayo ulit sa Pinas…. o kami na lang ang dadayo diyan sa inyo hehehhehehe
tara lets! hahaa!
Tay! sana kasama ka din namin. di ka naman maaout of place kasi yung mga binanatan na kanta ni kuhracha e alam mo rin. hahaha! pero malamang dahil mahilig kayo sa musika, e kering keri nyo ang mga kanta. kakabugin nyo malamang lahat kami. hahahha!
nagkataon lang po na masayang kasama ang mga kapwa bloggers natin. dream ko nga na sana mas marami at masaya ang susunod…
di po ba kayo uuwi dito sa atin? sana isang araw kami naman ang makapunta diyan sa inyo. sigurado akong mageenjoy din kami dahil sa pasyal at maraming kantahan kasama kayo.
Tama ka Kaye. Diyan o dito man…sisiguraduhin ko na magiging espesyal ang ating unang pagkikita. Maraming salamat. God Bless!
ang sweet ni bing at vajj sa ika-anim na photo….at ala paborito ko ang pose na ito. mukha lang disappointed si vajj dahil gusto yata sa ibang parte ng katawan nya yung daliri ni bong.
SINO SI BING? SINOOOOOO?
hahahaha! wag ganun, fafa jesse!
next year, kami naman ang susugod sa bahay nyo!
Bring it on!
Ansaya naman. Kahit na ang ka-blogger ko lang dito e sina JC, Salbehe at ikaw, ansaya pa rin, hehe.
.
I would do something like this but, the thing is, I’m countries away from all my fellow bloggers. Boo. But then again, I’m really shy in person. At first!
Oh ayan, ireto mo na si JC sa kahit sinu-sino diyan ah. Hahaha. Labyu, JC, pero hanapan mo na nga yan
I blame you Eriz. I blame you.
hey, ok lang yun, kasi nun lang din kami nagkita kita ng iba sa kanila and yet it was still a fun night. i think it was also because we didn’t mind that we didn’t know each other deeply. and it was also fun because kahit papano, we broke the barriers of anonymity through blogging.
di ko pa nga alam kung kanino ko irereto yang si JC…dalawa silang JC na kelangang hanapan ng partners. hehehe
Ah, the rewards and joys of blogging! I have always believed that true and sincere friendships can start even in the virtual world. Ang blogging ay isang paraan upang makilala natin ang iba at magkaroon ng real relationship sa kanila.
By the looks on your faces, it’s very obvious kung gaano kayo nag-enjoy. God bless to you all and cheers to your friendship!
[...] really are. ha!) endeared themselves to me; and Duking , Shea and Marvin who I met during our fun videoke session at [...]
[...] post-Christmas/New Year get-together. Ok na ok, inuman, kantahan, chismisan, parang yung nangyari nung Hunyo. At ang maganda nito, may venue na. Ang siste, yung may-ari ng venue, hindi pa alam. Eto ang usapan [...]