Featured Posts

Rest in peace, Bonid. [caption id="attachment_1127" align="alignleft" width="432" caption="Rest in peace, Nid. "][/caption] This afternoon, I finally paid for the flu vaccines the family and Anne will have. But with a heavy...

Read more

Not-so-Fair-Use of our family photo I first posted the above photo in my then Wordpress-hosted blogsite before I migrated to this self-hosted site. I posted this photo taken by our friends because I found this and the others too nice not...

Read more

Please allow me to continue where I left off in yesterday's post. This time though, it will just be a narrative report  (heheh) of what happened after my dearest hubby surprised me and made me cry a river...

Read more

Seven years into our marriage, eight years of togetherness, really, if you will count the one year we were a couple, or even fifteen years if we will consider the time we were introduced to each other,...

Read more

What is more fun in the Philippines? At dahil uso na rin lang naman ang gumawa ng mga kung anik-anik tungkol sa hashtag na ItsMoreFunInThePhilippines, I made some myself. Dami pa kong gustong gawin pero ito lang muna:     ...

Read more

  • Prev
  • Next

Kantahan, Inuman, Kwentuhan at Tarotan

225

Category : life outside work, musings

Nagsimula lahat isang Biyernes ng gabi, ilang linggo na ang nakalilipas, nang magkita kami ni Kuhracha sa isang kainan dito sa Alabang.

Sa paghuhuntahan namin, (pareho pa naman kaming madaldal at makwento), napagusapan ang pagkikita ng mga magkakaibigan sa blogosperyo. Ang setting? Videoke. Bakit Videoke? Bakit ba, walang basagan ng trip.

Gusto nila (itago na lang natin sila sa pangalang Salbehe, Vajarl at Shea) na magvideoke naman at napagusapang gawin ito sa isang resort. Sabi ko ok na idea ang videoke. Dahil kahit papano’y nasa tono naman ako at si Daddy Bong ay kulang na lang maging professional singer, mahilig din kaming magvideoke.

Ang sumunod na tanong ay saang resort at kailan? Biglang nagtanong si Kuhracha kung may videoke daw ba kami. Tamang tamang meron nga. Parang nagimbestiga lang ano? Napaisip din naman ako na kung sa resort gagawin, at overnight pa, baka malabong makasama kami nang di namin isinasama ang mga bulinggit na piglets. Kaya ayun, napagkasunduang gagawin ang videoke sa amin…aktwali, sa bahay ng aking mga magulang kung saan dati ako nakatira (shempre, saan pa ba?)

Kailan naman ang party? Hindi maaari noong weekend na iyon dahil nakatakda kaming lumipad patungong lah lah land. Ang sumunod na weekend naman ay kaarawan ni Rizal. Hindi din pwede. Bakit? Hindi ko alam basta naisip namin ni Kuhracha na hindi yun pwede. (napapaisip tuloy ako kung bakit nga hindi pwede.) At sa wakas ay itinakda naming gawin iyon sa sumunod na weekend.

At yun nga ay naganap noong Sabado. Pero ilang araw bago yan ay katakut takot na plurk private messages muna ang aming pinagsaluhan. Karamihan dito ang usapin sa oras ng pagkikita ng mga dadayo sa Sta. Rosa, kung paano nila pupuntahan ang promding sina Mami Kaye at Dadi Bong, anong mga dadalhin—shempre kaunaunahan ang alak at chismis, at marami pang iba. Maraming inimbita, pero marami rin sa kanila ang isnabero at isnabera (joke lang pero half-meant.)

Sa huli’y siniguradong darating ang mga sumusunod: Kuhracha, Vajarl, Shea, Kikilabotz, Salbehe at isang misteryosong guest na itago na lang natin sa pangalang Duking.

Pasado alas-5 na ng hapon nang timbrehan ako ni Kuhracha na nasa Sta. Rosa na sila nina Vajee, Shea at Kikilabotz. Matapos ang sampung minuto, naroon na sila sa tagpuan sa plaza ng Sta. Rosa. Doon namin sila sinundo ni Dadi Bong at Jeremy na biglang naging mahiyain sa mga tao…inaantok lang pala. Ayun, pagkasakay na pagkasakay nila sa aming sasakyan, sinabi rin nila agad na may kagandahan silang ginawa (read: katangahan) Ano yun? Naiwan lang naman nila ang French fries at hotdog na dinayo nila sa Festival Mall sa Alabang. Mabuti na lamang at yun ang eksaktong mga binili ko noong gabi ng Biyernes bago umuwi. Sana lang nakita ng driver ng van na sinakyan nila ang mga naiwan nilang epektos para naman mapakinabangan pa rin kahit papano.

Matapos ang ilang mga lakad pa ay umuwi na rin kami sa amin. Pagkababa ng mga gamit at pagkapahinga, sinimulan na ang pagkanta…sinimulan na pala namin ni Cassie. (mabuti na lang at naiayos na ng kapatid kong si Anne at ng kanyang nobyong si Bonid ang lugar kung saan kami magkakantahan)

Kinanta namin ni Cassie ang walang kamatayang Paparazzi. Gusto kong isipin na namangha sila sa galing ng anak ko. (walang kokontra. Stage mother din ako akala nyo!) At sinundan namin ng awiting inaawit namin sa aming pagtulog ang You Changed My Life in a Moment. Taob na naman sila kay Cassie.

Maya maya pa’y inumpisahan na rin nilang kumanta at kumain ng chichirya. Di kami makapaghapunan dahil wala pa noon si Salbe na kasalukuyang nagbibiyahe papuntang Robinson’s Sta Rosa upang katagpuin si Duking (uuuuyyy!) Isang oras lang naman ang pinaghintay ni Duking (na buti na lang e hindi naduling sa paghihintay).

Pasado alas-8 na nang magparamdam si Salbe at sabihing magkasama na sila ni Duking. Sinundo sila ni Dadi Bong habang ako ay naiwan para makikanta.

Pagkarating nina Salbe, nagkumustahan, pakilanlanan, at nagkayayaan nang kumain (tama ba ang chronology?) pinakahuling dumating si Salbe pero pinakamalakas at nangunguna ang boses niya sa pagsabing “sige” nung magyaya akong kumain na kami.

Habang kumakain, sige pa rin ang kwento. Kinuwento niya ng bonggang bongga ang istorya ni Roi. (Roi, kung mapunta ka dito sa site ko, patawad. Pinagusapan ka namin. Sabi naman ni Salbe, may bendisyon mo naman…di ko nga lang alam kung may bendisyon mo nung laitin ka namin. Hahaha! Biro lang, Roi.)

Matapos ang kainan, nagpahinga ulit sa extension ng bahay kung saan kami nagvideoke, at nagkaron na ng tarotan. Ako ang unang sumalang. Kakaiba ang tarot cards ni Salbe. Maganda, kakaiba, nakakatakot, at higit sa lahat, kulang! Pano mo naman mahuhulaan ng tama ang isang tao kung kulang ang tarot cards? Iyon lang magaganda ang picture ang dinala ni Salbe. Pero di namin alam yun shempre nung una. At dahil ako ang unang sumalang, mega shuffle ako ng cards at pagkatok ng dalawang beses. Ang maganda nito, me kasamang pagsambit ng Knock Knock habang kinakatok ang deck ng cards. May silbi pala yun. Dangan lang at basic service lang ang ibinigay ni Salbe sa akin. Pero dahil may baong panangga si Kikilabotz, ayun, may value-added service ang hula ni Salbe sa kanya. Kung ano yon ay di ko sasabihin kasi baka magpahula kayo kay Salbe at di na kayo maexcite. Ang totoo, exciting ang mga hula ni Salbe na lalo pang pinaexciting ni Duking.

Maya maya lamang, matapos hulaan ang halos lahat ng naroroon, ay binalingan na namin ang pagkanta. Hindi namin pinatawad ang mga bago at lumang kanta, at lalong mabili ang mga kanta ng Aegis, Air Supply, new wave, at higit sa lahat, ng palabas na Glee. Ang Videoke King award ay dapat kong ibigay kina Vajarl at shempre, kay Kikilabotz. Hands-down winner sana si Kikilabotz na talagang ipinagmalaki pa nila sa akin ang husay at talento sa pagawit, pero kelangan ko ring bigyan ng pansin si Vajee na kinabog si Chris Colfer at pati na rin si Dadi Bong sa pag-awit. At ang Videoke Queen ay walang iba kundi si Kuhracha. Kasabay ng pagkanta ay ang pagtagay…may beer at may tequila at ang tanggera? Si Shea. Sinabihan ko siyang huwag madudulas sa hagdan dahil kawawa na naman ang mga binti niya pag nagkataon.

Lampas hatinggabi ang inuman at kantahan. Mabuti na lamang at naisipan pa naming magkodakan bago magmukang “wasted” ang mga tao. Wala namang nalasing, pero kung narinig mo siguro kung paano ang kantahan, malamang di mo malalaman ang pagkakaiba ng lasing sa hindi lasing. (biro lang!)

Nang mapagod sa pagkanta, napagbalingan ang kwentuhan. Maraming maraming maraming maraming kwento. At sa palagay ko, kung ikaw ay isa sa mga blogger na mahilig magpunta sa mga blogsite ng mga taong nagkita kita noong Sabadong iyon, pihadong isa ka sa mga napagusapan namin.

Magaalas-4 na nang magpasya kaming lisanin ang bahay ng aking mga magulang upang lumipat sa maliit naming tirahan na walking distance lang din naman mula doon. Si Duking ay nagpasyang umuwi sakay ng kanyang motorsiklo, habang lahat kami’y naglakad na papunta sa aming tahanan. Pagod na ang lahat at antok kaya’t si Kikilabotz, paglapat pa lamang ng likod sa higaan, ay daglian na ring natulog.

Kami ni Bong ay naghanda na rin sa pagtulog at ilang minuto lang, ay tahimik na ang buong bahay.

Kinabukasan, matapos ang brunch ay nagpasiya nang umuwi ang lahat. Ayun, balik sa ingayna lamang ng mga piglets ang munting bahay namin, na sumandaling napuno ng halakhakan ng mga bisitang nagsipagbalik na sa kanikanilang buhay at bahay…

Anyare?

______________________________________

Update:

Dito ko na lamang ilalagay lahat ng mga larawang kuha nung gabing yun. Muntik na magkalimutang naghanda kami ng camera para may ebidensya ng pagkikita dahil nasobrahan yata ang lahat sa kanta, inom at chismis. pero narito ang ilang mga larawang naalala naming kunin…

Ayun ako sa likod ni Vajarl, si Salbe, parang modelo lang ng instant coffee, si Kikilabotz, parang mabait lang, at si Shea, na tanggera. Asan sina Duking, Kuhracha at Bongkito? Si Kuh ang photographer, si Duking, di ko alam kung nasan at si Bong ay umuwi sandali

Yun pa rin, umiba lang ako ng pwesto.

Ayan na si Kuhracha...si Shea naman ang nawala.

Si Dadi Bong at ako...ang sweet!

Mabuti na lang at may self-timer ang camera kaya kumpleto ang barkada.

Ang kulit ni Dadi Bong.

Ayaw humarap ni Duking sa camera. Ayaw mo bang makunan ng picture kasama si Vajarl?

Muka bang wasted na ang kilabot na nurse at ang tanggera? parang di pa umiinom ano?

Ito ang kuha bago magalisan ang mga bisita. Sumama sa picture taking ang mga bulinggit na sina Jeremy at Cassie, at shempre, ako e parang wala pa sa huwisyo kasi nagluto ako ng kinain namin at biglang napapicture taking. ayun tuloy...

Sana parang Facebook lang, na pwedeng i-tag na lang ang mga larawan kasi parang lasing lang ata ang naglagay ng caption. hehehe. Nagmamadali po ako kasi siningit ko lang ito. Dahil si Dadi Bong e kanina pa nagtetext saken at pinepressure akong magpost ng mga pictures dito.

Sa uulitin!

Cassandra Sofia at ang Kamalayang Malaya

164

Category : Motherhood and parenting, musings

Hindi ako palaging nakapagsusulat tungkol sa iyo. Marahil kung nakababasa ka na, magtatampo ka sa iyong ina. Kung ibida man kita, manaka-naka, at hindi kaparis ng pagbibida ko tungkol sa iyong ate o kuya…

Pero di man kita maibida palagi, sana nararamdaman mo kung gaano ka kamahal ng iyong Mama. Sa mga pagkakataong ako’y umuuwi ng maaga aga at ika’y gising pa, makikita ko ang ngiti at maririnig ang sigaw ng kagalakan mula sa bibig mo. Sa pagpasok ko sa bahay, diretso akong mauupo sa ating sala, at yayakap sa iyo. Hindi ko alam kung naiintindihan mo, na lagi kong sinasambit ang mga salitang ang saya saya ko sapagkat ngiti mo ang bumabati sa akin, at pumapawi ng pagod mula sa maghapong pagtatrabaho.

Sa gabi habang nakahiga tayo, bago matulog, ay lagi kong sinasambit ang isang pasasalamat. Kung minsa’y malakas, kadalasa’y inuusal ko ito sa aking isip. Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil habang pinagmamasdan ko kayo ng kuya mo, naguumapaw ang kaligayahan sa aking puso dahil kayo, kasama si ate nyo, ang mga anak ko.

At sa mga oras bago tayo matulog, na umaawit tayo ng mga awiting natututunan mo sa panonood nga mga palabas na pambata, ay para akong idinuduyan kapag naririnig ang iyong tinig. Nasasabi ko sa sarili kong ang galing galing mo. At higit sa lahat, bumubuo ako ng pangarap kung saan ikaw ay umaawit sa mga paligsahan at ako, ako ang iyong numero unong tagahanga…kung saan kahit anong mangyari, walang makatatalo sa iyo, dahil para sa akin, ikaw ang laging nagiisang panalo.

Sa ating pagtulog, baon ko ang dalanging sa pagbubukas ng isa pang umaga, ang iyong ngiti ang aking masisilayan.

Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula: Naniniwala akong bawat bata ay may kakayahang lumaking mabubuting mamamayan ng ating bayan sa tamang pagpapalaki sa kanila. Bilang isang magulang, naniniwala akong ang ating pagmamahal sa ating mga anak ang magiging gabay nila upang lumaki silang mabubuti at kapaki-pakinabang sa kanilang lipunan.

 

( OT: Kulipis, hindi ko naiintindihan ang ibig mong ipakahulugan sa KAMALAYANG MALAYA na patimpalak mo. Pero ang naiintindihan ko, gusto kong sumulat tungkol sa bunso ko. 275 salita ang mga nasa taas, maliban sa kung saan nagsimula ang salawikaing isinulat ko sa pagtatapos ng aking akda. Bilangin mo pa.)

iLUZionada

53

Category : musings

We met on our first day as freshies in that Comm 1 class in one of the Palma Hall (AS for most students) classrooms. I can’t exactly remember what transpired during that first day meet, but I guess we hit it off quickly because we were practically the first ones to arrive in that gloomy classroom.

A few years in our friendship, this lady who used to be mistaken for former beauty queen Michelle Aldana (except that she lacked the height requirement) would tell me that she doesn’t exactly put her trust easily on just about anybody, but she did, on me. And I would forever remember and be thankful for that.

The next years in UP would see us together with a few other friends who made up our own circle. But she and I would be the only ones constantly together. There were a few hits and misses between us, particularly when I got into a relationship with my second boyfriend and I kinda neglected her, and then much later, when I fell for a certain guy who happened to be the brother of another friend, but we were able to go past those. (I therefore conclude that guys tend to become the biggest barriers in friendships, lol.)  And although we majored on different programs—she in broadcasting, and I on journalism, we still found time to meet up and cultivate a friendship that now spans 17 years.

In all that has happened to me during those 17 years, I would say that she was the only constant presence in my life. She might not have been my maid of honor during my wedding (that went to my sister-in-law who is also a very dear sister-in-law and ate to me) but I hope she knows that no title is ever worth keeping than what I have always bestowed on her…my best friend.

And now, as another school year opens, I hope that those who are entering another phase in their life, especially those college freshies out there, would be able to find someone who would stay with them as they age, just like Luz did, with me.

Luzzie, there is no other reason I wrote this, but the fact that I realized I’ve missed you more when I came to visit you in Singapore. See you again in a few days here in ‘Pinas!

Jeremy

115

Category : Motherhood and parenting, musings

Three years ago, you came into this world, unbidden, unannounced. What I know was that I had already decided to take my leave of absence in preparation for your coming, which was originally scheduled a few days later.

Jeremy's 3D pic

That day, after office, I went to my sonologist to take my scheduled ultrasound. But lo and behold, I was told that the water where you were swimming in, was fast being depleted. How could that happen? So against my wishes, I had to be confined to the hospital so you could be properly monitored. But since I had taken a heparin shot that morning, and my last meal taken at two that afternoon, we had to wait for another eight hours before you could be finally delivered.

Nine forty-five pm came, and I was finally prepared and wheeled to the operating room. My two doctors were already waiting for me. My OB Gyn Dra. Martha Aquino asked me if I was nervous, and I said yes. She said, don’t be.

I had a sudden panic attack when I saw that the part from below my chest and down was blocked from my view. I realized it wasn’t just panic, it was more claustrophobia as I felt the world closing in on me. At the same time, I knew I did not want my blood pressure going up, though Dra. Aquino said it would benefit you more if I had pre-eclampsia because that would somehow help your little lungs become stronger. You see, you were only on your 35th week, and yet, you had to be delivered. Then again, I wanted to be ready for you so I had to prevent the panic attacks by thinking of something else. I had to focus on my hunger pains…yeah, I thought about the fact that I was already too hungry and just wanted to get things over and done with.

But that is not to say I did not want to go through the birth process. In fact, I had waited for it so much, this being a new experience. I gave birth to Ate Kara normally, you see. I was just scared, that’s all. After all, we waited for you for a long time and all we wanted was to finally see you.

At 10:54 pm, we all heard your muffled cries. You did not cry loudly, unlike your little sister Cassie. In fact, your birth video often shows you sleeping instead of crying heartily so the doctor who caught you and who was cleaning you up would, from time to time, tap you gently. You did not like being disturbed from your peaceful sleep so you would cry every time she does.

Jeremy at 2 months

Days quickly went by and now you just marked your third year. Last night, before I slept, I prayed a prayer of thanks to the Giver of Life. I thanked Him for the three wonderful years of having you, being blessed by your kisses and hugs and smiles as you wake up in the morning, and see daddy and me at the front door as we come home at night, or being asked to blow and kiss whatever is painful because you believe that Mama’s kisses could easily take away the pain, or being asked to play with your cars, or sing and dance with you as you watch your favorite Hi-5 shows. I thanked the Lord for the pure joy you have brought all of us at home and prayed that God, with His infinite mercy, would keep you, Ate Kara and Cassie safe and healthy at all times. And I prayed that He would give Daddy and me long years so we could take care of you and witness all three of you growing up and building your own lives.

But for now, you remain ours, our little boy, our baby. Three years have already gone fast, but I look ahead with excitement as years unfold in your young life.

Happy birthday, anak. Mama loves you so much.

© 2005-2012 Keekaye's sketches All Rights Reserved Copy Protected by Chetans WP-Copyprotect.

© 2005-2012 Keekaye's sketches All Rights Reserved Copy Protected by Chetans WP-Copyprotect.